26.3 C
Batangas

TB mass screening prayoridad ang matatanda at may diabetes

Must read

- Advertisement -

By LIZA PEREZ DE LOS REYES

BATANGAS City — PRAYORIDAD ngayon ng City Health Office (CHO) ang may 200 senior citizens at may sakit na diabetes mellitus sa isinasagawang tuberculosis mass screening upang tuldukan ang sakit na ito.

Ayon kay City Health Officer Rosanna Barrion, ang mga matatanda at diabetic ang mga vulnerable o madaling kapitan ng tuberculosis kayat ang mga ito ang tinarget nila para sa TB mass screening.

May nakuha silang 900 na TB cases noong 2017 at patuloy nila itong ginagamot ng libre hanggang anim na buwan sa ilalim ng kanilang Tuberculosis Control and Prevention Program.

Sinabi ni Dr. Barrion na hindi dapat itago o ikahiya ang nakamamatay at nakahahawang sakit na ito sapagkat madali itong gamutin. Ang CHO personnel ay tutok ang gamutan sa mga identified cases at tinutulungan ng Department of Health (DOH) sa pagbibigay ng gamot sa mga local government units.

Upang maiwasan ang tuberculosis, payo ni Dr. Barrion na kumain ng masusustansiyang pagkain, mag-ehersisyo, magkaroon ng sapat na tulog at disiplina sa sarili upang makaiwas sa mga bisyo at magkaroon ng healthy lifestyle.

Target aniya ng DOH na mapalawak pa ang paghahanap ng mga taong may tuberculosis upang magamot ito at tuluyan ng maging TB-free ang bansa.

Isa sa mga pasyente si Lorna Paala ng Maalbo Dela Paz, 31, at may pitong anak. Aniya, karaniwang pananakit ng likod, pag-uubo at sakit ng ulo ang kanyang nararamdaman kaya binalewala nya ito. Subalit habang tumatagal ay tumitindi ang kanyang pag-ubo, nagkakaroon ng lagnat at nakakaramdam ng panghinhina kayat agad siya nagpunta sa CHO upang mag pakonsulta at dito siya na diagnosed na may tuberculosis. Tatlong buwan na siyang ginagamot at bumubuti na ang kalagayan.

Katuwang ng CHO sa TB mass screening na ito ang DOH, Provincial Health Office at Philippine Business Social Progress na siyang may dala ng RAD Tech Van kung saan isinagawa ang X-ray ng mga pasyente.| #BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

WHEN Christ explained the parable of the sower and the seed (cfr. Mt 13, 18-23), the obvious conclusion that we can make is that we should be the good ground to receive the seed of God’s word so that...
A silent revolution is underway in the busy field of education, where the curriculum always demands, and the clock is continuously running. This change is about something far more fundamental than flashy technology or popular teaching approaches—our attitudes. Psychologist...
OUT OF the seven plastic categories, the first two, namely Polyethylene Terephthalate (PET) and High-Density Polyethylene (HDPE) are the easiest to recycle, and therefore these are the most in demand in the recyclable market. Never mind the five others, because...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -