By JOENALD MEDINA RAYOS
TANAUAN City, Batangas – IPINAKITA ni Mayor Angeline ‘Sweet’ Halili ang mahigpit niyang pagpapatupad ng kaniyang polisiya para sa epektibong serbisyo publiko bilang punonglungsod nang sampolan niya ang ilang kawani ng lungsod na aniya’y nagbobolakbol sa trabaho.
Kasunod ng flag raising ceremony ng mga kawani ng pamahalaang lungsod ng Tanauan nitong Lunes ng umaga, seryosong inianunsyo ng alkalde ang kaniyang pagpapalabas ng Memo sa mga abusadong kawani o hindi tumutupad sa kanilang mga tungkulin.
Dismayadong ipinakita ni Halili sa publiko ang larawan ng mga tauhan ng Traffic Management Office (TMO) na nakitang naglalaro sa mga computer video games sa Victory Mall samantalang mga naka-uniporme pa. Ang mga nasabing larawan ay ipinadala ng mga konsernadong citizens sa Tanauan City Hope facebook account.
Pahayag pa ng alaklde, talagang mahigpit sya sa trabaho at titiyakin niyang hindi masasayang ang tiwala ng taumbayan ng disiplinahin ang mga umaabusong kawani.
Suportado naman ng Sangguniang Panlungsod sa pangnguna ni Vice Mayor Herminigildo Trinidad Jr. ang aksyon ng alklade.
Pahayag ni Trinidad sa Balikas News, “iyan po ang aking isiniguro kay Mayor Sweet Halili, na ang Sangguniang Panlungsod ay magiging matibay na tagasuporta niya para maiseguro ang isang mahusay na pamahala sa ating minamahal na Lungsod ng Tanauan. Hindi lamang para ipakita sa publiko na may ginagawa tayo, kundi sapagkat ito ang tama, kay ito ang dapat ipatupad.”| BALIKAS News