#EtoNaNga – IKINAGULAT ngayon ng mga netizen ang kumakalat na video footage kung saan ay kapwa umamin ang kampo ng mga Torres-Aquino at Corona ng umano’y pagkakamali nila sa desisyong pulitikal noong 2022.
Sa naturang video, magkasunod na nagpahayag sina dating Tanauan City Mayor Sonia Torres-Aquino at dating City Mayor, at ngayon ay Third District Board Member, Alfredo Corona ng kanilang umano’y pagkakamaling suportahan ang anila’ng’y maling kandidato sa pagka-mayor ng Lungsod ng Tanauan.
“Kung noo’y nakita ninyo, na ako’y hindi nakasama sa kanya, yun po ay nauna lang po ng lapit yung isa, at hindi ko rin naman po aakalain na ako’y magkakamali,” pahayag ni Ex-Mayor Sonia.
Aniya pa, “ngayon po na may pagkakataon, ako na po ang nakikiusap, palitan na po natin..”
Sa panig naman ni Bokal Corona, binigyang-diin niya na noong 2022 ay magkasama silang humarap sa publiko ni dating Mayor Sonia Torres-Aquino at nagkaisa sila ng pag-endorso sa kasalukuyang mayor dahil naniwala sila na siya ang karapat-dapat.
“Hindi pala po sapat ang kaalaman, kakayahan at karanasan sa paglilingkod, pero higit sa lahat, napakahalaga po sa isang naglilingkod ay galing sa puso,” pahayag pa ni Corona.
Ginawang halimbawa ni Corona ang aniya’y laging paninisi ng kasalukuyang mayor sa mga mamamayan ng lungsod na humihingi ng tulong sa umano’y kaniyang pagkatalo noong nakaraang eleksyon sa mga barangay kung taga saan ang isang nangangailangang humihingi ng tulong.
Ngayon, “kailangan po maging mulat tayo”…. “at aaminin namin ni Mayor Sonia Torres-Aquino, kami po’y nagkamali ng sinamahan at tatayuan po namin yan. Totoo pong nagkamali kami,” dagdag pa ni Corona.
Panoorin ang kabuuang video footage: https://youtu.be/L1KQzqUlfmg?si=3RpzSAkOtbxF1ZO5