26.1 C
Batangas

Tourism lockdown, ipinatutupad na sa Isla Verde

Must read

- Advertisement -

ISLA VERDE, Batangas City – IPINATUTUPAD na ngayon sa halos buong Isla Verde, sakop ng lungsod ng Batangas, ang tourism lockdown dahil sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

Sa ipinalabas na Kautusang Pambarangay ni Punong Barangay Leobert M. Claro ng San Agustin Kanluran, Isla Verde, iniuutos sa lahat ng mga may-ari ng mga resorts, diveshops, transient houses, passenger and private boats at iba pang establisimyento sa barangay ang pansamantalang pag-ban sa lahat ng mga turista, maging lokal man o dayuhan, at pagkansela ng lahat ng tourism-related activities sa nasasakop ng buong barangay.

Ito aniya ay bilang pagpigil sa posibleng pagpasok ng virus o ng carrier ng nakamamatay na COVID-19 na ngayon ay idineklara na ng World Health Organization (WHO) bilang isang pandemic.

Magbibigay naman ng anunsyo ang Sangguniang Barangay ng San Agustin Kanluran kapag nai-lift na ang naturang kautusan.

Ganito rin ang ipinatutupad sa apat pang barangay ng Isla Verde — ang San Agapito, San Andres, San Antonio at Liponpon. Sa panig naman ng San Agustin SIlangan, sinabi ni Punong Barangay Estilito Gualberto na wala naman kahit isang resort o tourism-related establishment sa kanilang barangay kaya hindi sila nagpalabas ng katulad na kautusan.

Bagaman at nakikita ng mga opisyal ang malaking magiging impact nito sa umuusbong naturismo sa Isla, ay nananawagan sila sa mga taga-Isla ng ibayong pakikiisa sapagkat mas malaking problema ang kakaharapin nila kung malulusutan sila ng COVID-19.

Ang Isla Verde na binubuo ng anim (6) na barangay ay matatagpuan sa pagitan ng Batangas at Mindoro ay nasa gitna ng Verde Island Passage, ang kinikilalang center of the center of the world’s marine biodiversity. Kilala sa mga diving spots, nagsimulang sumulong ang turismo sa isla may ilang taon na ang nakararaan, lalo na kung summer season.

Nito lamang nakaraang Lunes, iniutos ni Batangasy City mayor Beverly Rose A. Dimacuha ang pagkansela sa lahat ng mga public gatherings, mga graduation at moving up ceremonies sa lungsod, samantalang hinikayat din ang mga parokya na kanselahin ang mga prusisyon at iba pang katulad na aktibidad, kasabay ang panawagan na maglagay ng mga alcohol dispensers sa mga pasukan at labasan ng mga simbahan, kapilya, paaralan, malls, supermarkets, at iba pang matataong lugar.|-BALIKAS News Network

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

By Elyssa Lopez, Philippine Center for Investigative Journalism Liquefied natural gas may be a new industry in the local energy sector, but old names are behind the companies bringing the technology to Philippine shores.  Based on proposals submitted to the Department...
Compensation claims as a result of the sunken MT Princess Empress’s massive oil spill in Tablas Strait could surpass those filed in the aftermath of the 2006 sinking of the MT Solar in Guimaras Strait, Quezon City Rep. Marvin...
Four SM Executives led the charge among 100 notable Certified Public Accountants (CPAs) in the country as they were conferred the Centenary Awards of Excellence for their outstanding contributions in the advancement of the accountancy profession. The Centenary Awards of...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -