25.7 C
Batangas

Turismo sa Batangas, patuloy na nililinang ng PTCAO

Must read

- Advertisement -

TUMAAS ng 21% ang bilang ng mga turistang bumisita sa Lalawigan ng Batangas mula noong Enero hang-gang Abril 2018, kumpara sa parehong panahon noong isang taon. Kaugnay nito, nangunguna pa rin ang Lalawigan ng Batangas sa CALABARZON Region para sa mga day tour o ang maghapong pagbisita ng mga turista ngayong unang kalahati ng taon.

Ang Basilica ni San Martin ng Tours, itinuturing na pinakamalaking Simbahang Katoliko sa Asya.|

Ilan ito sa mga ibinalita ng Batangas Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO) tungkol sa katatayuan at mga kaganapan patungkol sa Turismo sa lalawigan, sa panayam kay PTCAO Department Head, Atty. Sylvia Marasigan; at Senior Tourism Operations Officer Stephanie Landicho kamakailan.

Alinsunod sa mandato ni Gov. Hermilando I. Mandanas, bukod sa local promotion ng Batangas, abala rin ang PTCAO sa pakikipag-ugna-yan sa mga counterpart na ahensya sa China at Korea.

Nagkaroon sila kamakailan ng pakikipag-ugnayan sa Shaanxi Province sa China, na ikinakasang maging Sister Province ng Lalawigan ng Batangas, at kung saan ikinakasa ang pagkakaroon ng tourism and educational exchange. Itinuturing ang Shaanxi na isa sa mga pinagmulan ng Chinese civilization, kaya hangad din ng Batangas Capitol na malinang ang pakikipagpalitan dito tungkol sa history, culture and arts.

Bukod pa rito, nagkaroon din ng kasunduan ang lalawigan ng Batangas sa Chuncheon City, Gangwon Province South Korea. Sa kasalukuyan, nasa Chuncheon City ang 55 magsasakang o ang 1st Batch ng Seasonal Guest Farm Workers na magiging responsable sa wastong pangangalaga ng mga pananim, pag-ani at pagbabalot o pagpapake sa mga agricultural products mula ika-17 ng Abril hanggang ika-15 ng Hulyo.

Nagmula ang unang batch sa mga bayan ng Balete, Lipa City, Malvar, Mataas na Kahoy, Rosario, San Luis, San Pascual, Sto. Tomas at Taysan, na ayon kay Atty. Marasigan, ay mga in-land local government units.

Ang mga bayan ng lalawigan ay ikinategoryang “coastal” o yung mga nasa baybaying dagat; “lakeshore” o mga nasa palibot ng Lawa ng Taal; at “inland” o yung mga napapalibutan ng kalupaan.

Ang Parola ng Malabrigo sa Lobo, Batangas.(Photo credit: Shutterstock)

Patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng PTCAO para sa pagpaparehistro at accreditation ng mga resorts sa lalawigan. Sa kasalukuyan, mayroong di bababa sa 60 na resorts ang rehistrado na, na karamihan ay ang mga kilalang resorts na dinadagsa ng mga turista mula sa loob at labas ng lalawigan sa Nasugbu, Mabini, at San Juan.

Dalawang beses sa isang taon, bumisita ang mga kawani ng PTCAO sa mga resorts upang malaman kung nasunod ang mga ito sa rules and regulations para sa Turismo.| Jean Alysa C. Guerra

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

SAN JUAN, Batangas – DALAWANG ektaryang sakahan na pagmamay-ari ng Provincial Hybrid Rice Cluster sa bayang ito ang malawakang tinaniman ng mga hybrid na binhi ng palay sa pamamagitan ng drone kamakailan lamang. Mula ito sa inisyatibo ng Department of...
By JOENALD MEDINA RAYOS ACTING on his previous pronouncements that vacant key positions in his administrations will be filled-up following the lapse of the one-year imposed on the appointment of political candidates who unsuccessfully ran during the May 9, 2022...
On June 5, the United Nations’ (UN) World Environment Day, the Aboitiz Group proudly demonstrates its commitment to global sustainability efforts by highlighting its groundbreaking innovations in the fight against plastic pollution. With this year’s theme of #BeatPlasticPollution, the...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -