26.7 C
Batangas

Unang kaso ng Covid-19 sa Lian, kinumpirma

Must read

- Advertisement -

LIAN, Batangas — INIULAT ng lokal na pamahalaan ng Lian sa pamamagitan ng kanilang social media account na hindi na ito COVID-19 FREE matapos maitala ang unang kaso ng nagpositibo sa naturang sakit.

Iniulat ng Lian RHU na as of 11:00 a.m. ngayong araw ng Martes, Marso 24, ay naitala ang kaso ng isang 28-anyos na lalaki matapos nilang matanggap ang kumpirmasyon sa resulta ng isinagawang test sa pasyente.

Ang pasyente umano ay permanent resident ng Batangas City ngunit kasalukuyang naninirahan sa Lian habang nagtattrabaho sa isang kumpanya rito. Sinabi pa sa nasabing post na nagkaroon umano ng direktang kontak ang pasyente sa isang pasyenteng nagpositibo sa COVID-19 sa kalapit na bayan ng Nasugbu.

Kinunan umano ng specimen ang pasyente para sa COVID-19 test noong Marso 17, kung kailan ay isinagawa na rin umano ang contact tracing sa mga posibleng nakasalamuha nito.

Nakumpirma lamang umano na nagpositibo nga sa COVID-19 ang pasyente noong Linggo, Marso 22. Nasa maayos na kalagayan naman umano ito ngayong Martes sa The Medical City South Luzon sa Sta. Rosa City, Laguna.

Hanggang sa sandaling sinusulat ang balitang ito, wala pang bagong opisyal na ulat ang Batangas Provincial Inter-Agency Task Force kaya hindi pa ksama ang kasong ito sa latest reported cases ng naturang Task Force.|-BALIKAS News Network

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

‘If necessary, the government should also subsidize rice traders, not just small retailers, in order to keep the price caps sustainable’ House minority leader warns of potential ‘foreign state actors’ exploiting global surge in rice prices to undermine PH, other...
The countdown to Christmas Day begins on September 16 as SM launches a host of fun activities, deals, and surprises for each member of the family.  It starts with surprises each day! From September 16 to December 25, someone lucky...
NINE cooperative beneficiaries for food processing enterprises of the Department of Agriculture - Philippine Rural Development Project (DA-PRDP) in CALABARZON were trained on Food Safety Hazards and current Good Manufacturing Practices (cGMP) facilitated by the Department of Science and...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -