24.3 C
Batangas

VM Alyssa Cruz, Nation Builder and MOSLIV awardee

Must read

- Advertisement -

BATANGAS City — PINARANGALAN bilang Honorary Vice Mayor of the Year si Vice Mayor Atty. Alyssa Cruz ng Nation Builders and MOSLIV Awards noong November 28.

Ang Nation Builder at MOSLIV Awards ay isang okasyon na kumikilala sa katangi-tanging nagawa ng isang indibidwal sa larangan ng public service, community development at nation building.

Iginawad kay Vice Mayor ang naturang parangal bilang pagkilala sa kanyang mga nagawa at suporta para mapanatili ang katahimikan, katarungan at katatagan ng komunidad; pagbibigay ng pantay na oportunidad sa lahat ng sektor; gender equality; job opportunities and economic growth; clean water and sanitation; good health and well-being ng mga empleyado at iba pa.

Matatandaang sa ilalim ng kanyang pamumuno ay kinilala ang Sangguniang Panlungsod (SP) bilang isa sa pinakamahusay na SP sa buong bansa at nagawaran ng International Organization for Standardization (ISO).

Ipinagpapatuloy pa rin niya ang pagkakaloob ng libreng notaryo at legal services sa mga residente ng Batangas City na sinimulan niya noong siya ay Konsehal pa lamang.

Malaki rin ang suporta ni VM sa mga programa ng City Civil Registrar’s Office (CRO) sa pagsasaayos ng mga legal documents kung saan kasama siya ng CRO sa paghahatid ng naturang serbisyo sa mga barangay.

Nananatili din siyang katuwang nina Mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvey Marino sa patuloy na pagpapaunlad ng lungsod.|

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

Disclaimer: This is an unsponsored article. The sole purpose is to educate and inform the consumers. LET'S have a hindsight look at the “paradigm shifters” in the local retail environment focusing on companies that have dared to modernize and improve...
IN educational settings, the Dunning-Kruger effect manifests with particular intensity and consequence, impacting not only the relationship between teachers and students but also among faculty and administrators. This cognitive bias, where individuals with limited knowledge overestimate their competence, can...
AT least 14 local government units (LGUs) composed of three (3) cities and 11 municipalities in Batangas province, are the new recipients of the Seal of Child-Friendly Local Governance (SCFLG), the Department of Interior and Local Government (DILG) reported....
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -