25.9 C
Batangas

WALANG ECC; Pabrika ng semento, isinara!

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

“SARADO na! Salamat naman at dininig din ang aming hinaing, sana naman ay tuluy-tuloy na ito.”

Ito ang pahayag ng ilang residente ng Barangay Talaga East sa bayan ng Mabini, Batangas, matapos ihain ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) – Environmental Management Bureau (EMB) ang Cease and Desist Order (CDO) at tuluyang ipasara ang planta ng Mabini Grinding Mill Corporation (Holcim Phils., Inc.) dahil sa kawalan ng Environmental Compliance Certificate (ECC), Perebor 13.

Sa 5-pahinang Order na ipinalabas ni OIC Regional Director Noemi A. Panarada ng DENR-EMB-Calabarzon noong Pebrero 12, 2019 sa kasong paglabag sa mga probisyon ng Presidential Decree No. 1586 and Its Implementing Rules and Regulations, kinansela na ng DENR-EMB ang ECC ng Universal Bulk Corporation na ginagamit ng Mabini Grinding Mill Corporation at ipinag-utos na itigil na ng Holcim Phils.,Inc. ang operasyon nito sa bayang nabanggit.

Bago ito, nagpalabas muna ng Notice of Violation (NOV) ) si Engr. Metodio U. Turbella, direktor ng DENR-EMB (Central) noong Enero 11, 2019 laban sa Holcim Philippines, Inc.,  kasunod ng mga monitoring ng mga tauhan ng EMB noong Marso 6, 2018. Isinaad din sa naturang NOV na sa inspeksyong isinagawa ng DENR-EMB Central noong Hulyo 13, 2018 para sa aplikasyon ng Holcim Phils. Inc. para sa bagong ECC at panukalang modipikasyon ng Mabini Bulk Terminal and Port Facility Project, nadiskubre ng mga tauhan ng EMB na may mga paglabag nga ang naturang kumpanya gaya ng instalasyon, konstruksyon at operasyon ng dalawang (2) eco-hoppers at conveyors to receive bulk and powder materials and an additional raw materials storage facility, kahit wala pang naiisyung ECC para rito.

Inutusan ng EMB na magpaliwanag ang Holcim sa loob ng pitong (7) araw mula ng matanggap ang naturang NOV. Inihain ni Friedrish Henry Dinglasan ng DENR-EMB Legal Section noong Enero 16, 2019, Miyerkules ng umaga ang naturang NOV, ngunit idinahilan ng kumpanya na nasa close door meeting si G. Alexander Garcia, plant manager, at ipinatanggap na lamang sa guwardiya ang NOV.

Pahayag naman ng Holcim, “Our company is committed to be a responsible partner of our communities wherever we operate. We have closely complied to local and national regulations, paid the proper taxes and have implemented programs to give back to the people living near our sites. These are the standards that have allowed us to continue operating for decades all over the country. These are the same ones we follow in Mabini.”

Dagdag pa ng Holcim, “Despite these efforts, we understand that there are some members of the Mabini community who are not fully supportive of our operations. We hear their sentiments and will continue the dialogues to provide the appropriate assistance under our existing community programs.”

Taliwas dito, sinabi naman ni Atty. Gerville Reyes-Luistro, municipal administrator ng Mabini, na walang tinatanggap na buwis ang pamahalaang bayan ng Mabini mula sa Holcim sapagkat mula pa noong taong 2017 at walang inisyung Business Permit ang munisipyo sa kumpanya dahil bagaman at nag-a-apply ang kumpanya na makakuha ng business permit, hindi naman umano ito nakakatugon sa mga hinihinging rekisitos gaya ng pagkakaroon ng sariling ECC at pagtugon sa mga reklamo ng mga apektadong residente.

Kaugnay nito, dalawang kaso naman (Action for Consignation) ang kinakaharap ng bayan ng Mabini sa Regional Trial Court ng Batangas City para mapwersa ang munisipyo na mag-isyu ng business permit.

“Mahalaga para sa amin ang mga mamumuhunan at ang kanilang mga ibinabayad na buwis. Mahalaga rin para sa amin dito sa pamahalaang bayan ang mga trabaho ng aming mga kababayan at ng iba pang naghahanap-buhay sa mga kumpanyang may pamumuhnan dito sa amin. Ngunit mahalaga rin para sa amin na tiyaking tuwirang napapangalagaan ang ating kapaligiran at ang kaligtasan ng ating mga mamamayan,” pahayag naman ni Mabini mayor Noel Luistro.

Wala ring pahayag ang Holcim, pagtanggi man o pag-amin, hinggil sa mga binanggit na nadiskubreng paglabag nila bagaman at hindi pa naiisyu ang ina-apply nilang bagong ECC.

Palit-pagmamay-ari at pangasiwaan

Unang na-isyu noong Mayo 19, 1997 ang Environmental Compliance Certificate (ECC-365-BA-120-97) sa pangalan ng Universal Bulk Corporation (UBTC) para sa pagtatayo at operasyon ng bulk terminal facility sa Brgy. Pulong Balibaguhan, Mabini, Batangas.

Noon namang Pebrero 23, 2006, nagpalabas ng liham ang DENR-EMB-Calabarzon na kumikilala sa paglilipat ng Lucky Cement Philippines, Inc sa pagmamay-ari sa ECC-365-BA-120-97 sa Mabini Grinding Mill Corporation (MGMC). Nakasaad sa naturang liham na lahat ng kondisyong inilatag ng DENR-EMB sa pagkakaloob ng naturang ECC ay mananatili at kailangang sundin ng MGMC. Ngunit bago ito, nailipat muna ang pagmamay-ari ng UBTC sa Lucky Cement.

Sa bisa naman ng isang Lease Contract, ang Holcim Philippines, Inc. naman ang siyang nagpapatakbo at may operasyon sa mga pasilidad ng MGMC simula pa noong taong 2013.

Sapagkat marami ng mga mamamayan ng Barangay Talaga East ang nagrereklamo sa sobrang ingay at polusyong hatid ng planta ng semento ng Holcim, sumulat si Mayor Luistro sa DENR-EMB-Calabarzon upang usisain ang umano’y paggamit ng Holcim sa ECC ng UBTC.

Dahil dito, kasunod ng isinagawang technical conference na dinaluhan ng iba’t ibang sector at mga stakeholders, nadiskubre rin ng EMB na hindi pala sumunod o hindi tumupad ang kumpanya na bumuo ng Multi-Partite Monitoring Team (MMT) kung kaya’t ipinag-utos ng EMB na sundin ito at ang iba pang batas sa pangangalaka ng kalikasan gaya ng PD 1586, RA 9003, RA 6969, RA 8749, RA 9275 at PD 856.

Paliwanag ni Panarada ng DENR-EMB-Calabarzon, ang pangangailangan na umiral o magkaroon ng Environmental Impact Assessment (EIA) study at ECC ang mga proyektong gaya ng sa Holcim ay upang mabatid ang mga predicted impacts during the construction, commissioning, operation and abandonment of the project. Ito rin aniya ang magsisilbing gabay sa pagdetermina kung nakasusunod ang kumpanya at may sapat na polisiya para pangalagaan ang kapaligiran.

At dahil ang ECC (ECC-365-BA-120-97) na inisyu noong 1997 sa UBTC na siyang ginagamit ngayon ng MGMC (Holcim) ay hindi na tumutugon sa kasalukuyang kondisyon at operasyon ng planta, kung kaya nga ang Holcim ay nag-apply na ng bagong ECC para sa kasalukuyang operasyon nito, kinansela na ng DENR-EMB ang nasabing ECC-365-BA-120-97. At dahil wala ngang ECC para sa kung ano ang operasyon ngayon ng planta, ipinag-utos na ng DENR-EMB-Caabarzon ang pagtigil nito ng operasyon hanggang sa panahong makakuha ito ng bagong ECC at mga kaukulang permits mula sa mga ahensya ng pamahalaan, kasama na ang Business Permit mula sa pamahalaang bayan ng Mabini.

Inutusan din ang kumpanya na aksyunan ang mga reklamo ng mga residente partikular sa ingay at matinding alikabok na ibinuga nito at umano’y nagdulot ng pagkakasakit sa maraming residente ng Brgy. Talaga East. Bukod dito, nabatid pa sa mga ipinakitang video footages na kinuha sa baybaying tapat ng planta ang patuloy na pagkasira ng mga bahura dulot ng mga putik na umano’y pinaniniwalaang nagmumula sa planta.

Bago magtanghali nitong Miyerkules, inihain ni Bb. Faina Ifurong ng EMB Legal Section ang Cease and Desist Order kay G. Alexander Garcia, plant manager ng Holcim. Matapos namang maikabit ang anunsyo sa publiko kaugnay ng kautusang ito, ikinandado na rin ang pultahan ng naturang pabrika ng semento.

Tumangging magbigay ng komento si Garcia sa mga mamahayag matapos tanggapin ang nasabing Kautusan. Samantala, nagpadala naman ng mensahe ang tagapagsalita ng kumpanya at ito ang kanilang pahayag:

“We are temporarily closing our Mabini Plant in compliance to the Environment Management Bureau-Region IV office’s order issued in the morning of February 13, 2019. Our company is submitting itself to the legal process on this matter. We will also continue to cooperate with authorities and work with all stakeholders towards a positive and fast resolution of this issue. However, we stand by our position that our Mabini plant should be allowed to operate. It adheres to relevant local and national laws and operates consistent with our values of health, safety, integrity and sustainability.”

Samantala, nanawagan naman si Administrator Luistro sa kaniyang mga kababayan at sa publiko na samahan silang bantayan ang aplikasyon ng Holcim para sa bagong ECC, na sana’y huwag nitong baliwalain ang mga usapin sa pangangalaga ng kapaligiran at pagkakasakit ng mga apektadong residente ng kanilang bayan.|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

BDO Unibank, Inc. (BDO) has partnered with the Department of Trade and Industry (DTI) to strengthen the flow of foreign investments into the Philippines. The partnership will focus on organizing investment seminars, business matching activities, and industry promotion missions designed to...
MANILA, Philippines -- POPE Francis has appointed Kalookan Bishop and president of the Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) Pablo David as among the 21 new cardinals of the Roman Catholic Church, the Vatican News reported Sunday, October...
IN a move highly anticipated by her supporters, former Batangas governor Vilma Santos-Recto, put an end to speculations on what position she’s going to run again with her filing of Certificate of Candidacy (COC) in a bid to...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -