28.4 C
Batangas

‘Walk of shame’ mayor, patay sa 1 tama ng bala

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

(Updated) NAGLULUKSA ngayon ang buong Lunsod ng Tanauan sa pagpanaw ni Mayor Antonio Halili na binawian ng buhay matapos barilin, habang dumadalo sa lingguhang flag ceremony sa New City Hall Compound, Barangay Pagaspas, Lunsod ng Tanauan, Lunes. Sa pahayag ni Dr. Alexander G. Carandang, dead-on-arrival bandang alas-8:45 ng umaga sa C.P. Reyes Hospital and Medial Center ang alkalde.

Masayang inaawit ng mga kawani ng pamahalaang lunsod ng Tanauan ang pambansang awit ng Pilipinas nang pagdating sa linyang “Ang bituin at at araw nyang kalian pa ma’y di magdidilim, lupa ng…” nang biglang umalingawngaw ang putok ng isang baril kasunod ang komosyon ng mga tao at hindi na naituloy ang pag-awit ng Lupang Hinirang.

Sa impormasyon ni CALABARZON Police regional director PCSupt. Edward Carranza, sa dibdib tinamaan ang alkalde at umanoy sniper ang bumaril dito gamit ang M14.

Kaakad namang isinugod si Halili sa naturang ospital ngunit di na nga ito nakaabot ng buhay.

NAGBIBIGAY ng mensahe si Mayor Thony Halili sa regular na flag Raising Ceremony sa new city hall compund ng Lunsod ng Tanauan.|BALIKAS FOTOBANK

Nasa kaniyang ikalwang termino bilang pununlunsod, ilan sa kaniyang malalaking ambag sa mablis na pagsulong ng lunsod ang pagtatayo ng Tanauan City College, bagong city hall at ang pagpapakilala sa mundo sa Lunsod ng Tanauan bilang City of Colors.

Si Mayor Halili ay kilalang-kilala sa kaniyang masugid na kampanya laban sa iligal na droga at mahigpit na kampanya para sa peace and order sa kaniyang nasasakupan – dahilan upang bansagan siyang “Second son of President Duterte.”

Sa mga nakalipas na panahon, laging laman ng mga balita ang “Walk of Shame” policy ni Mayor Halili upang mapigil ang kriminalidad sa kaniyang lunsod.

Naulila ni Mayor Halili ang kaniyang maybahay na si Angelina Yson Halili at kaniyang anak na sina Mark Anthony, Mary Angeline, Toni-Ann at Ma. Vernadette.|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

‘If necessary, the government should also subsidize rice traders, not just small retailers, in order to keep the price caps sustainable’ House minority leader warns of potential ‘foreign state actors’ exploiting global surge in rice prices to undermine PH, other...
The countdown to Christmas Day begins on September 16 as SM launches a host of fun activities, deals, and surprises for each member of the family.  It starts with surprises each day! From September 16 to December 25, someone lucky...
NINE cooperative beneficiaries for food processing enterprises of the Department of Agriculture - Philippine Rural Development Project (DA-PRDP) in CALABARZON were trained on Food Safety Hazards and current Good Manufacturing Practices (cGMP) facilitated by the Department of Science and...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -