28.9 C
Batangas

Wanted sa double rape sa Batangas, arestado sa Tondo

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

UMABOT na sa ‘dead-end’ ang pagtatago ng isang wanted sa dalawang kaso ng panggagahasa nang masukol siya ng mga operatiba ng Batangas sa ikinasang operasyon sa Kalakhang Maynila nitong Sabado ng gabi, Hulyo 28.

Matapos makakuha ng mahahalagang impormasyon sa tulong ng mga barangay information newtwork ikinasa ng pinagsanib na pwersa ng mga operatiba mula sa Lemery Municipal Police Station sa pangunguna ni PCI Alfie Maluenda Salang, OIC, at Provincial Intelligence Branch (PIB) ang gagawing operasyon.

Bitbit ang isang warrant of arrest na inisyu noong October 13, 2014 ni Hon. Judge Eleuterio Larisma Bathan, dating acting executive judge ng RTC Branch 5, Lemery,  Batangas para sa dobleng kaso ng panggagahasa.

Arestado sa kaniyang kasalukuyang pinaninirahan sa North Harbor, Tondo, Maynila ang akusadong si Jimson Villanueva y Maullon, alyas James, 24 anyos, tubong Brgy. San Isidro Itaas, Lemery,  Batangas.

Ang akusado ay nakatala bilang Top 1 sa Lambat Sibat Phase 4, Top 2 sa Lambat Sibat Phase 3, at Top 4 under Manhunt Charlie (Municipal Level).

Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng akusado na ngayon ay nakapiit na sa Lemery Municipal Jail.|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

Kamote on wheels

0
HAVE you ever been stuck in traffic—tired, frustrated—when, out of nowhere, a motorcycle cuts through dangerously close, jolting you awake? Chances are, you have...
IN the vibrant and chaotic terrain of politics, one wonders at the relentless allegiance many people show toward politicians with dubious credentials and moral...
Biologists from the University of the Philippines Diliman – College of Science, Institute of Biology (UPD-CS IB) call for further and more in-depth surveillance...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -