25.6 C
Batangas

Wanted sa murder, arestado; P2-milyong halaga ng shabu, narekober

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

BATANGAS City – NAHULOG na sa kamay ng batas ang isang wanted sa mga kasong murder samantalang narekober din sa kaniyang posesyon ang may P2-milyong halaga ng shabu sa isang operasyon sa Barangay Wawa, lungsod na ito, Huwebes ng gabi, Setyembre 6.

Sa ulat kay Batangas Police Provincial Director PSSupt. Edwin A. Quilates ni PSupt. Sancho Celedio, hepe ng Batangas City Police Station, matagumpay aniyang naihain ng kaniyang mga tauhan ang Warrant of Arrest bandang alas-9:30 ng gabi kay Jojo Alvarez Mallorca sa naturang lugar.

Nabatid pa na si Mallorca ay pangunahing suspek sa magkapatong na kaso ng murder sa lunsod kaya’t siya’y Number 1 sa Top 10 Most Wanted Person in LOI Manhunt Charlie at itinuturing ding No. 3 sa Top 10 Drug Personality o High Value Target ng kampanya ng pulisya kontra iligal na droga.

Narekober naman sa kaniyang pag-iingat ang dalawang (2) transparent plastic na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 300 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng Php 2,040,000.00. Narekober din sa suspek ang isang (1) cal. 45 Armscor, isang magazine at pitong (7) buhay na bala.

Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa Batangas City detention facility habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kaniya.|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

LOBO, Batangas – IKINANDADO na ng mga tauhan ng pamahalaang bayan ng Lobo nitong nakalipas na Lunes, Nobyembre 28, ang dalawang malalaking negosyong industriyal sa bayang ito, bunga ng kawalan ng kaukulang permiso upang makapag-operate nang ligal. Pasado alas-diyes ng...
State pension fund Government Service Insurance System (GSIS) will start releasing on December 6 more than P3.47 billion in Christmas cash gift to its old-age and disability pensioners. "Ang halagang matatanggap ng mahigit 300,000 qualified GSIS pensioner bilang Christmas cash...
IT would be a battle of two first time division winners for the most coveted MPBL Crown with the national finals slated this week. With a young, dynamic and talented core backed by a formidable partnership of two of the...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -