25.3 C
Batangas

World-class sports complex ng Tanauan City, minamadali na

Must read

- Advertisement -

By MARIA THERESA SILVA-BUÑO

LUNSOD NG TANAUAN, Batangas – TULOY na tuloy na ang konstruksyon ng 6.5 ektaryang Sports Complex sa lungsod na ito makaraang pangunahan ni City Mayor Antonio C. Halili at mga kinatawan ng mga katuwang na ahensiya at tanggapan ang “Groundbreaking Ceremony” ng Grand Stand sa Brgy. Darasa kamakailan.

PINANGUNAHAN nina Mayor Thony Halili at Batangas’ 3rd District representative Ma. Theresa Collantes ang groundbreaking ceremony ng world-calss sports complex ng Lunsod ng Tanauan.|JUN S. MOJARES

Buong pagmamalaking ipinahayag ni Mayor Halili na bagamat napakaambisyoso ng naturang proyekto, naniniwala ito na unti-unti ring maisasakatuparan ang nasa plano sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng iba’t ibang tanggapan at kabilang na nga rito ang tanggapan ni Senator Loren Legarda na nagkaloob na ng Php 30M bukod pa sa Php 9M pondo mula sa national government at ang pondong nakatakda pang ipagkaloob ng tangga-pan ni 3rd District Congresswoman Ma. Theresa V. Collantes.

Ang nasabing sports complex na dinisenyo ni Architect Robert Simbol ay kapapaloobanng grandstand na may 4,000 seating capacity; oval track and field na may 8 lanes kabilang na ang football field at baseball field kung saan gawa ito sa “synthetic grass” na kayang matuyo sa loob lamang ng 30 minuto matapos maulanan.; retention pond o “man-made lagoon” na siyang pagdadaluyan ng tubig-ulan; indoor sports stadium na may 5,500 seating capacity; tatlong 4 storey Tanauan City Senior High School Buildings with Dormitory; at loading/unloading bay na 15 meters access road mula J.P. Laurel Highway.

Naglaan din ang pamahalaang lunsod ng Php 45M para sa konstruksyon ng Oval ng grandstand na nagmula sa Special Education Fund at idadagdag dito ang Php 9M national fund.

Ang konstruksyon ng sports complex ay mamadaliin upang makapag-host ang Tanauan City ng isasagawang 2020 Southern Tagalog CALABARZON Athletic Asso-ciation (STACAA) kabilang na rin ang iba pang sports events gaya ng PBA games.

Sa usaping trapiko, sinabi naman ni City Administrator Junjun Trinidad na kasalu-kuyan ng ginagawa ang farm to market road na magmumula sa Pantay Bata patu-ngong Banjo East na siyang magsisilbing alternate route patungong sports complex.

Kabilang sa mga nakiisa sa programa sina Collantes, DPWH Engr. Prescilla Ramos, DepEd Tanauan City Division Superintendent Dr. Edna Faura Agustin, Brgy. Captain Wilfredo Ablao at incoming Brgy. Captain Luisito Flores ng Brgy. Darasa, City Administrator Trinidad, Chief of Staff Casiano M. Saniano, mga miyembro ng Sangguniang Panlunsod at mga kawani ng pamahalaang lunsod ng Tanauan.|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

MANIULA -- THE Embassy of Israel in the Philippines has extended its sympathy to Filipinos impacted by Severe Tropical Storm Kristine (international name Trami), which has caused significant damage and loss of life. In a statement Monday, the embassy offered...
BANGKOK, Thailand - FILIPINA beauty queen is Miss Grand International 2024 – 1st Runner Up, while India's bet Rachel Gupta was crowned Miss Grand International 2024! The coronation night of the pageant was held at the MGI Hall, Bravo BKK...
NAG-IWAN ng kabuuang 49 na patay at 17 nawawalang indibidwal ang bagyong Kristine sa Lalawigan ng Batangas. Ito ang nakalap ng BNN News Team, batay sa pinakahuling tally ng mga ulat mula sa 5 lungsod at 29 bayan ng lalawigan,*,...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -