28.2 C
Batangas

Yassi Pressman nag-Cebu kasama ang AP Partylist para pangunahan ang tulong para sa mga nasalanta ng Bagyong Odette

Must read

- Advertisement -

SA pangunguna ng aktress na si Yassi Pressman, nagtungo ang grupo ng AP Partylist sa ilang munisipalidad sa Cebu noong nakaraang linggo mula Pebrero 9-11, 2022 para mamahagi ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette noong Disyembre.

Unang pinuntahan ng AP Team at ni Yassi ay ang Argao, Dalaguete at Toledo kung saan nagsagawa ang grupo ng feeding programs sa tulong ng mga lokal na opisyal doon. Halos dalawang buwang makalipas na humagupit ang bagyong Odette, marami pa rin sa mga Cebuano ang hindi pa nakakabangon at unti-unti pa ring binabalik sa normal ang kanilang mga buhay. nagpamigay rin sila Yassi at ang AP Team ng libreng accidental insurance na may medical reimbursement sa mga piling miyembro upang makatulong sa mga Cebuano na maging handa sa maaaring maging aksidente sa hinaharap.

Nagtungo si Yassi Pressman at ang AP Team sa mga bayan ng isla ng Camotes โ€“ ang San Francisco, Pilar, Poro, at Tudela. Labis na ikinatuwa ng mga taga isla ng camotes ang paghatid ng mga relief goods sa kanilang isla.

โ€œBabalik at babalik po kami dito para maghatid ng tulong. Di po namin kayo nakalimutan kahit kailan at parang pangalawang tahanan na po namin ang Camotes,โ€ sabi ni Ong sa mga taga-San Francisco ng Camotes. Si Ong ay dati nang naghahatid ng tulong sa mga taga-Camotes sa pamamagitan ng mga proyekto nitong Tulong Pangkabuhayan.

Ang #164APPartylist team, na binansag ng mga Cebuano sa grupo, ay huling nagpunta naman sa Pardo, Cebu City noong biyernes. Sabi ni Pressman, โ€œIsa po tayong pamilya sa AP Partylist. Matagal na po natin kasama si Rep. Ronnie Ong at ang kanyang pagtulong simula pa noong umpisa ng pandemya. At sa kabila rin ng bagyong Odette, nandito po kami para tulungan po kayo para sabay-sabay po tayong umahon. Sana po bukod sa tulong ay nakapagdala kami ng ngiti sa inyong lahat.โ€

Ang AP Partylist ay kasama ng mga lokal na opisyal at ibang mga organisasyon sa komunidad  na nagsagawa ng feeding programs at namahagi ng free insurance cards upang matulungan ang ating mga kababayan sa maaaring aksidente na mangyari sa hinaharap.|-BNN/pr

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

LIPA City, Batangas โ€“ LIMA Estate, a key player in Southern Luzonโ€™s economicgrowth, has unveiled plans for a transformative 40-hectare expansion of its BIZ HUB, increasing Batangas' first master-planned business district to 70 hectares. This development, which sits within...
THE national government extended to Batangas various forms of aid amounting to over P170-million in a ceremony led by President Fewrdinand R. Marcos Jr., Thursday morning. The figure includes the P100,000 aid distributed by the Department of Social Welfare and...
To bring essential public services closer to the Filipino people, on Monday, July 8, Senator Christopher "Bong" Go, an adopted son of CALABARZON with familial origins in Batangas, personally spearheaded the inauguration of the Super Health Center in Tingloy,...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -