29 C
Batangas

3,000+ pamilya, nakinabang sa “Adopt- A- Family Program” ng BPPO

Must read

CAMP GEN. MIGUEL MALVAR, Btaangas City – MAHIGIT sa 3,000 mahihirap na pamilyang Batangueño ang nakinabang sa “Adopt-A-Family Program” ng Batangas Police Provincial Office (BPPO).

Ang naturang programa na tinaguriang “Kapwa Ko, Sagot Ko” ay layong maipakita na sa kabila ng pagkakaroon ng otoridad sa pagpapatupad ng batas, naroon ang kakayahan ng bawat kapulisan na tumulong sa mga nangangailangan.

Ayon kay Hazel Luma-ang Suarez, Public Information Officer ng BPPO bawat isang kapulisan ay binigyan ng pagkakataon na makatulong sa mga pamilyang nais nilang bigyan ng tulong sa panahon na ipinatutupad ang Enhanced Community Quarantine.

“Bawat isang kapulisan ay binibigyan ng pagkakataon na makatulong sa sinumang pamilya na maituturing na “poorest of the poor” at walang kakayahan na makabili ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, gamot, gatas at iba pa. Ito ay pagpapakita na sa kabila ng pagganap naming sa aming tungkulin, patuloy din ang aming pakikipagkapwa-tao. Isang pamamaraan din ito upang ibalik at patatagin ang tiwala ng mga tao sa kapulisan na ang mga ito ay maaaring maasahan hindi lamang sa pagseguro sa kaligtasan kundi maging sa panahon ng kagipitan. Ang tulong na ibibigay ng bawat isang pulis ay mula sa kanilang sariling bulsa”, ani Suarez.

Sa tala ng BPPO-Police Community Relations, may 3,128 na mahihirap na pamilya ang nakinabang sa naturang programa hanggang ngayong araw at inaasahang tataas pa ito dahil patuloy ang pagtulong na ginagawa ng lahat ng kapulisan.|Bhaby de Castro

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

THE applause had not yet faded when Dharlene Gan of Dakila and the Active Vista Center stepped onto the stage, her words sharp and...
How can a seasoned geologist explain climate change to kids and how can kids understand such an intimidating concept? Through a children’s book and an...
The WVSU Cultural Center this Monday afternoon, September 8, was already alive before the program even began. In the lobby, ushers moved briskly, keeping...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -