24.4 C
Batangas

2 Gracianos kinilala sa 4H Club achievements

Must read

PADRE GARCIA, Batangas – BINIGYANG-pagkilala kamakailan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng Provincial Agriculture Office, ang dalawang miyembro ng Batangas Province Delegation na dumalo sa Regional 4-H (Head, Heart, Hands, and Health) Club – CALABARZON para sa kanilang karangalang nakamit na nagpatunay sa angking galing ng mga Batangueño.

Ang ibinigay na parangal ay kaugnay ng isinagawang 5th Regional Farm Youth Camp, na may temang “More Fun and Income for Farm Youth Through Farm Tourism,” na ginanap noong nakalipas na buwan sa sa Virgilio Melendez Memorial Elementary School Barangay Tacungan, Pililia, Rizal.

Nahirang si John Zedric B. Barawidan, 18 taong gulang, mula sa 4-H Club ng Quilo-Quilo South, Padre Garcia, Batangas na kampyon sa Extemporaneous Speech Competition sa nasabing pagtitipon.

Samantala, ang kanyang kapwa Gracianos na si Marwin M. De Torres, 24 na taong gulang, ay nahalal naman bilang Regional 4-H Club Federation President (Calabarzon). Mismong si Gobernador Dodo Mandanas, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, ang nag-abot ng Certificates of Recognition kina Barawidan at De Torres. | Derick Ilagan

Batangueño 4H Club Winners. Binigyang pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna nina Gov. Dodo Mandanas, mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan at mga opisyal ng Office of the Provincial Agriculturist, si John Zedric B. Barawidan ng 4-H Club ng Quilo-Quilo South, Padre Garcia, Batangas na kampyon sa Extemporaneous Speech Competition sa 5th Regional Farm Youth Camp sa Rizal. Nahalal naman si Marwin M. De Torres bilang Regional 4-H Club Federation President ng Calabarzon. Photo: RIC ARELLANO
- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

THE applause had not yet faded when Dharlene Gan of Dakila and the Active Vista Center stepped onto the stage, her words sharp and...
How can a seasoned geologist explain climate change to kids and how can kids understand such an intimidating concept? Through a children’s book and an...
The WVSU Cultural Center this Monday afternoon, September 8, was already alive before the program even began. In the lobby, ushers moved briskly, keeping...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -