PALAWAN: Dumating sa Lungsod ng Puerto Princesa, Palawan noong Enero 5 ang Superstar Virgo, isang Leo class na cruise ship na pagmamay-ari ng Star Cruises.
Sakay nito ang 1,200 na mga pasaherong turista na karamihan ay Filipino at Tsino.
Sinabi ni Michie Meneses, senior tourism operations officer ng City Tourism, halos lahat ng pasahero ay naghahangad na mabisita ang mga destinasyon sa lungsod partikular na ang Puerto Princesa Underground River (PPUR).
“May malaking bentahe ito sa ating turismo (tumutukoy sa PPUR)… at patunay lamang din na tayo ay cruise ship capital,” ani Meneses.
Nagsagawa na rin Superstar Virgo ng inisyal na biyahe sa lungsod noong Disyembre 31, sakay ang 800 pasahero na karamihan ay mga Filipino.
Sa talaan ng City Tourism, 12 cruise ship ang inaasahang darating sa siyudad ngayong taon.| LBD/PIAMIMAROPA-Palawan