28.4 C
Batangas

Kumpensasyon sa mga pribadong lote, idinepensa ng lokal na mambabatas

Must read

By JOENALD MEDINA RAYOS

LIPA City – HINDI umano naayon sa batas at hindi dapat maging kalakaran na sa mga proyekto ng pamahalaan gaya ng mga kalsada na nakukuha ang bahagi ng mga pribadong ari-arian na hindi naman nababayaran, kung kaya’t dapat aksyunan ito ng Sangguniang Panlungsod.

Pahayag ni Kagawad Avior Rocafort sa espesyal na sesyon ng konseho noong Miyerkules, Enero 16, maliwanag sa batas na kailangang bigyan ng kaukulang kabayaran o kumpensasyon ang mga pribadong ari-arian na nagamit ng pamahalaan sa mga proyekto nito.

IPINALILIWANAG ni Kagawad Avior Rocafort sa sesyon ng Sangguniang Panlungsod ng Lipa kung bakit kailangang mabayaran ang lpribadong lupang nasaklaw ng mga pagawaing-bayan.|Kuha ni JOENALD MEDINA RAYOS

Ginawang halimbawa ni Rocafort ang bahagi ng isang pribadong lupa na nasakop ng widening ng Bolbok-San Sebastian Road at ang lupang nahagip ng pagpapaluwang ng tulay sa P. Laygo Street, sakop ng Barangay Sabang. Anang kagawad, marapat lamang na mabigyan ng kaukulang kumpensasyon ang mga may-ari ng mga nasabing ari-arian.

Kung hindi aniya ito bibigyang-pansin, nangangmaba umano siyang maging precedent ito ng iba pang pangayyari sa hinaharap na hindi binabayaran ang mga lupang nakukuha ng mga proyekto ng gobyerno.

Dahil dito, pinagtibay ng konseho ang pagpapasa ng may P11-milyong aproprasyon sa ilalim ng new item/account sa 2019 annual budget ng lungsod ng Lipa.|#BALIKAS_News

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

Ozamiz City, Misamis Occidental – Young leaders in Ozamiz are taking center stage with the launch of the BRAVE Project (Building Resilient and Aware...
THE applause had not yet faded when Dharlene Gan of Dakila and the Active Vista Center stepped onto the stage, her words sharp and...
How can a seasoned geologist explain climate change to kids and how can kids understand such an intimidating concept? Through a children’s book and an...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -