32.7 C
Batangas

P1-M na Kabuhayan Loan para sa mga MSMEs, handang ipautang ng BDONB

Must read

- Advertisement -

SIGURADONG naranasan na ng mga maliliit na negosyante ang ma-hassle sa pag-apply ng loan. Nandyan ang mahabang proseso at napakaraming requirements, yun pala nama’y maliit na loan amount lang ang mahihiram. Kaya tuloy ang planong mapalago ang business, hindi nangyari.

Sa BDO Network Bank (BDONB), mas pinadali ang proseso at simple lang ang requirements sa pag-aapply ng loan. At higit sa lahat, siguradong mabibili ang planong additional inventory/equipment para makapag-expand ng negosyo dahil hanggang P1 milyon ang maaring maipahiram

Dahil sa BDO Network Bank Kabuhayan Loan, nakabili sina Josephine Saig at ang kanyang asawa ng dagdag na materyales para mag-shift ng negosyo.

Sa pamamagitan ng BDONB Kabuhayan Loan, pwedeng madagdagan ang puhunan ng mga maliliit na negosyante o MSMEs upang mapalaki pa ang kanilang business. Ito ang naging karanasan ni Josephine Saig, isang mananahi ng mga school uniform at sports jersey.

Dahil sa BDONB Kabuhayan Loan, nakabili si Josephine ng sapat na materyales para mag-shift ng negosyo—mula sa paggawa ng mga uniporme at jersey, gumagawa na siya ngayon ng mga reusable at washable face masks. Hanggang ngayon, masigla at patuloy pa rin ang kanyang negosyo.

“Mabuti na lang po may bumisita na taga-BDONB sa shop. Sa kanya ko nalaman ang tungkol sa Kabuhayan Loan. Mabilis lang po magpa-approve. Wala pong collateral at madali lang ang requirements. Pwedeng hulugan hanggang 24 months,” sabi niya.

Available ang Kabuhayan Loan sa mga MSMEs na tumagal na ng 3 taon ang negosyo at kumikita ng at least P15,000 na weekly sales. Hindi na rin kailangan ng collateral sa pag-aapply. Pwedeng makapag-loan mula P30,000 hanggang P1,000,000 na may installment term na 12 to 24 months. Meron din itong Credit Life Insurance kung saan protektado ang pamilya ng borrower mula sa financial burden.

Sa panahon ng pandemya, napatunayan na ang mga MSMEs ang nagbibigay ng kabuhayan sa mga komunidad. Sa kanila nakadepende ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya at ang lahat ay umaasa sa MSMEs para sa mga essential needs tulad ng pagkain. Bukod dito, ang mga MSMEs ang nagbibigay ng trabaho sa mas nakararaming Pilipino.

“Ang BDONB ay nariyan sa inyong bayan at handang suportahan ang mga MSMEs sa pamamagitan ng Kabuhayan Loan. Libo-libong mga MSMEs na ang nakinabang at lumago dahil dito, lalo na noong matindi ang pandemya at nagkulang ang cash flow at puhunan ng mga MSMEs,” ani Karen Cua, senior vice president for MSME Loans ng BDONB.

Para sa mga gustong mag-avail ng Kabuhayan Loan, mag-send lang ng private message sa BDONB PH Facebook Page o kaya ay magpunta sa pinakamalapit na BDONB branch sa inyong Lugar. Pwede ring mag-apply online. I-click lang ang link.

https://www.bdonetworkbank.com.ph/kabuhayan-loan.

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

The insurance premiums written by the Government Service Insurance System for the first quarter hit Php2.98 billion. This is a 12% increase from Php2.65 billion in premiums from March year-on-year. The GSIS General Insurance has issued 52,644 total policies,...
BATANGAS CITY, Philippines -- LEADING LNG terminals and downstream infrastructure company, AG&P International Pte. Ltd. (AG&P) announced the arrival and successful berthing of its long-term chartered 137,500 cbm ISH Floating Storage Unit (FSU) at AG&P's Philippines LNG (PHLNG) Import...
FORMER president Rodrigo Duterte, former senator Vicente “Tito” Sotto III, and ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo topped the senatorial survey conducted by Oculum Research and Analytics in the first quarter of 2024. Duterte (53%), Sotto (53%), and Tulfo (52%) tied...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -