25.9 C
Batangas

9 na Lugar sa Batangas Province, Nagpositibo sa Arsenic

Must read

NAGPOSITIBO sa arsenic ang tubig sa siyam na lugar sa Lalawigan ng Batangas, batay sa datos na ibinahagi ng Provincial Inter-Agency Task Force on Arsenic – Taal Volcano Protected Landscape (TVPL) sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council meeting sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas noong June 2, 2022.

Sa ulat ni Dr. Rhodora Reyes, Batangas Medical Center Toxicology Center chief, at tumatayo ring head ng Provincial IATF on Arsenic-TVPL, ang arsenic ay isang kemikal na carcinogenic o maaaring magdulot ng cancer, masamang epekto sa balat ng tao at sa mga sanggol na hindi pa isinisilang. Nakapapasok ito sa katawan sa pamamagitan ng paglunok o pag-inom ng kontaminadong tubig.

Naunang napansin ang presensya ng arsenic sa mga balon ng tubig matapos pumutok ang Bulkang Taal noong January 12, 2020. Kabilang sa mga lugar na may mataas na lebel ng arsenic ay matatagpuan sa mga bayan ng Laurel, Balete, San Nicolas, Mataas na Kahoy, Alitagtag, Sta. Teresita, Lemery, Taal at lungsod ng Tanauan.

Ang lebel ng arsenic sa mga nabangit na bayan ay mas mataas sa standard o normal level, na 10 parts per billion (pbb).Patuloy naman ang monitoring sa lebel ng arsenic sa mga bayan na nakapaligid dito.

Bilang tugon dito, naglaan ang Batangas PDRRMO ng ₱3.5 Milyon mula sa kanilang trust fund para makatulong sa isinasagawang mga water tests.|-GME

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

THE applause had not yet faded when Dharlene Gan of Dakila and the Active Vista Center stepped onto the stage, her words sharp and...
How can a seasoned geologist explain climate change to kids and how can kids understand such an intimidating concept? Through a children’s book and an...
The WVSU Cultural Center this Monday afternoon, September 8, was already alive before the program even began. In the lobby, ushers moved briskly, keeping...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -