29.1 C
Batangas

Pagtatanim ng hybrid na palay gamit ang drone, isinagawa ng DA-4A sa Batangas

Must read

SAN JUAN, Batangas – DALAWANG ektaryang sakahan na pagmamay-ari ng Provincial Hybrid Rice Cluster sa bayang ito ang malawakang tinaniman ng mga hybrid na binhi ng palay sa pamamagitan ng drone kamakailan lamang.

Mula ito sa inisyatibo ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) Rice Program katuwang ang New Hope Corporation na nagprodyus ng drone sa layon na mapabilis ang pagpapalaganap ng paggamit ng hybrid na binhi ng palay sa tulong ng makabagong teknolohiya.

Inihahanda ng mga tauhan ng New Hope Corporation ang drone na gagamitin sa drone farming.|

Ang drone ay isang unmanned aerial vehicle (UAV) o panghimpapawid na sasakyang ginagamit sa pagmomonitor ng lupang sakahan, pagtatanim, pagdidilig, at pag-spray ng pestisidyo.

Aabot sa anim (6) na minuto kada ektarya ang nataniman ng hybrid na binhi ng palay gamit ang drone base sa isinagawang demonstrasyon sa San Juan.

Bahagi rin ang aktibidad ng pagsubaybay ng kagawaran sa sistema ng produksyon ng Provincial Hybrid Rice Cluster ng San Juan mula sa pagbababad ng binhi at pagdaan sa incubation hanggang sa pagtatanim ng mga hybrid na binhi.

Ayon kay Melchor Namuco, ang tumatayong pangulo ng Masaganang Magsasaka ng Barangay Talahiban Uno at Dos, napakapalad ng kanilang cluster na makasaksi ng makabagong pamamaraan upang mas mapadali ang kanilang pagsasaka. Buhat dito ay lalo silang nabigyan ng dagdag inspirasyon na manatiling aktibo bilang samahan kasama ang Kagawaran ng Pagsasaka.|Danica T. Daluz

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

THE applause had not yet faded when Dharlene Gan of Dakila and the Active Vista Center stepped onto the stage, her words sharp and...
How can a seasoned geologist explain climate change to kids and how can kids understand such an intimidating concept? Through a children’s book and an...
The WVSU Cultural Center this Monday afternoon, September 8, was already alive before the program even began. In the lobby, ushers moved briskly, keeping...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -