26.7 C
Batangas

Bahagi ng Lungsod Batangas, mabubura na nga ga sa mapa?

Must read

By JOENALD MEDINA RAYOS

BATANGAS City – MARAMING kabahayan na naman sa barangay Sta. Clara at barangay Cuta ang nanganganib na mawala sa mapa ng lungsod simula ngayong taong 2019 sakaling simulan na ang sinasabing mix-use port development project na nagkakahalaga ng P3-bilyon.

Nabatid na nakipagkontrata na ang Batangas Port Planners and Development, Inc. (BPPDI) sa Melekon Contractors, Inc. (MCI), para siyang maging main contractor ng nasabing proyekto. Ang BPPDI ay isang subsidiary company ng Leviste Group of Companies; samantalang ang MCI naman ay isang kilalang espesyalista sa reclamation and construction projects.

Nabatid din na batay sa kontrata ng dalawang kumpanya, nakatakda ring mag-reclaim sa baybayin ng Look ng Batangas para makumpleto ang 40-ektaryang mix-use facility na tatayuan ng administrative buildings, mga tulay, lansangan, gayundin ang pagtatayo ng hotel at condominium dito.

Ayon kay Bettina Nicole Reyes, MCI vice president for marketing, nakakuha na ng kaukulang Notice to Proceed mula sa Philippine Reclamation Authority, at nakapag-isyu na rin ang Department of Environment and Natural Resources ng kaukulang Environmental Clearance Certificate (ECC) kaya umaasa silang masisimulan na ang proyekto ngayong unang kwarter ng taong 2019.

Ayon kay Liborio Antonio Palafox, MCI project director, naniniwala silang matatapos ng kanilang kumpanya ang proyekto sa loob ng dalawang taon o hanggang taong 2020, na sumusunod pa rin sa industry standards.

Ang nasa likod nito, si dating gobernador Jose Antonio C. Leviste, na umano’y siyang nakapagpatitulo sa may baybaying bahagi ng dalawang barangay na nabanggit kasama ang kaniyang dating close-aid Rafael Delas Alas. Matapos ang may anim (6) na taong pagkakakulong sa kasong homicide dahil sa pagpatay kay Delas Alas, nakalalaya ngayon si Leviste matapos mabigyan ng parole noong taong 2013.|#BALIKAS_News

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

Ozamiz City, Misamis Occidental – Young leaders in Ozamiz are taking center stage with the launch of the BRAVE Project (Building Resilient and Aware...
THE applause had not yet faded when Dharlene Gan of Dakila and the Active Vista Center stepped onto the stage, her words sharp and...
How can a seasoned geologist explain climate change to kids and how can kids understand such an intimidating concept? Through a children’s book and an...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -