26.7 C
Batangas

Batangueñong mag-aaral, kinilala sa kanilang artikulo sa climate change

Must read

BATANGAS City — KINILALA ng Sangguniang Panlungsod ng Batangas sa regular na sesyon nito noong Martes, Pebrero 26, ang kakaibang kakayahan at galing na ipinamalas ng isang Batangueñong mag-aaral sa isang forum sa Bangkok, Thailand kamakailan.

Isang resolusyong inakda ni Kagawad Nestor Dimacuha ang iginawad ng konseho kay Deignielle Bert D. Arellano bilang pagkilala sa katangi-tanging paghirang sa kaniya bilang Best Position Paper Awardee sa kanyang tinalakay sa Asia World Model United Nations (AWMUN) na isang international forum upang labanan ang climate change.

Si Arellano, isang BS Medical Laboratory student sa  Lyceum of the Philippines University Batangas ay kabilang sa may 1,300 delegado mula sa buong mundo kung saan ang kanilang position paper ang napiling pinaka-kakaiba at natatangi.

Ayon sa resolusyon, tinalakay sa kaniyang position paper ang mga issues ng climate change na  isang napapanahong usapin. Inihayag rin ni Arellano na ang paglaban sa climate change ay isang tuluy-tuloy na tungkulin at obligasyon ng lahat. Ito ay hindi maiipanalo kung hindi magkakaisa ang mga bansa na ito ay labanan at maiwasan.

Nakapaloob din sa resolusyon na ang mensahe ni Arellano ay naglalayong maturuan at buksan ang kamalayan ng mga tao sa buong mundo na ma-empower sila na tumulong at gawin ang kanilang papel na maibsan ang epekto ng mapanirang climate change.

“Ang  kaniyang paglahok at pagwawagi ay nagpapakita sa buong mundo na ang mga Pilipino lalo’t higit ang mga Batangenyo ay handa at determinado upang tuluyang mapagtagumpayan ang matagal nang laban sa climate change,”  sabi ni Councilor Dimacuha.|Jerson J. Sanchez

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

Ozamiz City, Misamis Occidental – Young leaders in Ozamiz are taking center stage with the launch of the BRAVE Project (Building Resilient and Aware...
THE applause had not yet faded when Dharlene Gan of Dakila and the Active Vista Center stepped onto the stage, her words sharp and...
How can a seasoned geologist explain climate change to kids and how can kids understand such an intimidating concept? Through a children’s book and an...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -