26 C
Batangas

Graduating senior high students, dumagsa sa Job Fair; 174 aplikante, hired on the spot

Must read

By RONNA ENDAYA CONTRERAS

BATANGAS City – BINIGYAN na kaagad ng pagkakataong makapagtrabaho ang mga unang magtatapos sa senior high school sa lunsod ngayong taon sa pamamagitan ng job fair ng Public Employment Service Office (PESO) at Department of Education, na ginanap sa Batangas City Sports Coliseum, Marso 23.

Ipinabatid ni PESO Manager Noel Silang na sa 1,271 SH students mula sa mga pampubliko at pribadong high schools sa lunsod na dumagsa sa naturang job fair, 174 ang na hired on the spot base sa kanilang kwalipikasyon at kakayahan.

May 24 local companies at isang international company ang lumahok sa tinaguriang Handog ni Mayor Beverley: Trabaho para sa mga Senior High School Students.

“Ang pagtatapos ay pagtawid sa isang yugto ng buhay patungo sa katuparan ng kanilang mga pangarap. Ang job fair na ito ay pagpapadama ng tapat na pagkalinga at pagtiyak na tama ang landas na tatahakin ng naturang mga kabataan. Hangad kong maging kapaki-pakinabang silang myembro ng lipunan,” paha-yag ni Mayor Dimacuha.

Ipinaabot ni City Schools Division Superintendent Do-nato Bueno ang kanyang pag-bati sa mga magsisipagtapos na mag-aaral sa pamamagitan ng kanyang kinatawan na si OIC-Asst. City Schools Division Superintendent Rhina Silva.

Pinayuhan naman ng kinatawan ni Director Predelma Tan ng Department of Labor and Employment ng Batangas Province na si Labor Employment Officer III Karl Joseph Sanmocte ang mga kabataan na gawing inspirasyon ang salitang Latin na “Magis” na nangangahulugan ng “philosophy of doing more for Christ and for others.”

Nagbigay naman ng career/employment coaching si Supervising Labor and Employment Officer Noel Silang.

Sa kaniyang testimonial, hinikayat ni John Phillip Serrano, Local Disaster Risk Reduction and Management Officer at isang EBD scholar, ang mga estudyante na mag aral ng mabuti. Malaki aniyang tulong ang scholarship program ng lunsod upang makamit niya ang kanyang pangarap sa buhay.

Ayon kina Adrian Merca-do ng Paharang National HS at Angel Lyn Bagon ng Uni-versity of Batangas, plano nila na magpatuloy pa ng pag-aaral at kumuha ng kursong Mechanical at Civil Engineering. Nais anila na magkaroon ng part time job habang bakasyon.| #BALIKAS_News

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

THE applause had not yet faded when Dharlene Gan of Dakila and the Active Vista Center stepped onto the stage, her words sharp and...
How can a seasoned geologist explain climate change to kids and how can kids understand such an intimidating concept? Through a children’s book and an...
The WVSU Cultural Center this Monday afternoon, September 8, was already alive before the program even began. In the lobby, ushers moved briskly, keeping...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -