27.3 C
Batangas

International floating bookfair ng MV Doulos Hope, bumisita sa Batangas

Must read

BATANGAS City — Pormal nang binuksan sa publiko ang international floating book fair na MV Doulos Hope noongMartes, April 16. 

Ang MV Doulos Hope ay isang international ship na pinamamahalaan ng GBA Ships e.V. na  isang non-profit, charity organization na nakarehistro sa Germany at  bumibisita sa iba’t ibang bansa. 

Magugunita na unang bumisita sa Pilipinas ang sister ship nito noong 1991 at nagdry dock noong 2008.   

Ang naturang floating library ay may 120 crew at staff mula sa 30 bansa kung saan 22 dito ay mga Pilipino. 

Ito ay  nakadaong sa Batangas International Port sa barangay Sta. Clara, lulan ang mahigit sa 2,000 iba’t ibang uri ng aklat.  

Kabilang dito ang children’s books,  cookery , classics, novels, books on family and parenting,  bibles at iba pa na mabibili sa  murang halaga.  

Bukas ang  MV Doulos mulang April 16 hanggang April 28 tuwing ika-2:00 ng hapon hanggang ika-8:00 ng gabi.

May entrance fee na P6.00 para sa Port habang P50.00 naman  sa MV Doulos. 

Naging panauhing pandangal sa official opening program si Board Member Claudette Ambida, bilang kinatawan ni Governor Hermilando Mandanas.|PIO-BC 

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

THE applause had not yet faded when Dharlene Gan of Dakila and the Active Vista Center stepped onto the stage, her words sharp and...
How can a seasoned geologist explain climate change to kids and how can kids understand such an intimidating concept? Through a children’s book and an...
The WVSU Cultural Center this Monday afternoon, September 8, was already alive before the program even began. In the lobby, ushers moved briskly, keeping...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -