25 C
Batangas

LSI One Stop Shop, inilunsad sa Tanauan

Must read

By Louise Ann C. Villajuan

TANAUAN City – SINIMULAN nang ilunsad ang Locally Stranded Individual (LSI) One Stop Shop noong Hunyo 8, 2020 sa Governor Modesto Castillo Memorial Cultural Center sa Lungsod ng Tanauan upang tuwirang maaksyunan ang pagpoproseso ng mga dokumento ng mga dumadating o umaalis na LSI sa lungsod.

Ipinatupad ang naturang programa sa inisyatiba ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, sa pangunguna ni City Mayor Mary Angeline Y. Halili kasama ang Sangguniang Panlungsod sa pamumuno ni City Vice Mayor Herminigildo G. Trinidad Jr.  Inupuan ito ng mga kinatawan ng tanggapan ng City Administrator’s Office, City Health Office, DILG-Tanauan City, City Social Welfare and Development (CSWD) Office, at Tanauan City PNP.

Layunin ng programang ito na mapadali ang pagbibigay-serbisyo sa mga LSI at mga may “indispensable travels” palabas ng lungsod na mangangailangan ng partikular na dokumento gaya ng Travel Pass, Medical Clearance, Travel Authority at kaugnay na koordinasyon mula sa mga nabanggit na tanggapan. Ang One Stop Shop na ito ay bukas Lunes hanggang Biyernes mula ika-8:00 ng umaga hanggang ika-5:00 ng hapon.| Photo Courtesy: Roderick P. Lanting

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

THE applause had not yet faded when Dharlene Gan of Dakila and the Active Vista Center stepped onto the stage, her words sharp and...
How can a seasoned geologist explain climate change to kids and how can kids understand such an intimidating concept? Through a children’s book and an...
The WVSU Cultural Center this Monday afternoon, September 8, was already alive before the program even began. In the lobby, ushers moved briskly, keeping...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -