26.6 C
Batangas

Mayor Halili, naghakot ng estudyante dahil sa bagyo

Must read

TANAUAN CITY, Batangas – TINIYAK ni Mayor Sweet Halili ng lungsod na ito na makauuwi nang maayos ang mga mag-aaral na nakapasok pa rin sa kabila ng kanselasyon ng klase dahil sa masamang panahon bunsod ng bagyong #FalconPH, dahilan upang pangunahan niya mismo ang paghahakot sa mga batang ito pauwi.

Dahil may mga batang malalayo ang kanilang tahanan sa mga paaralan, maaga pa silang pumasok Miyerkules ng umaga bago pa nila nalaman ang pag-aanunsyo ng kanselasyon ng klase.

LUBOS ang kasiyahan ng mga estudyante na sinundo sa eskwelahan at inihatid ni Mayor Sweet Halili sa kani-kanilang tahanan.|

Si Mayor Angeline “Sweet” Halili ang nanguna sa pagsasagawa ng Oplan Hakot Estudyante kung kaya’t pinuntahan ng alkalde kasama ang ilang kawani ng city hall ang mga eskwelahan upang sunduin ang mga nasabing mag-aaral at ihatid sila sa kanilang mga tahanan.

Mismong si Mayor Halili pa ang nagmaneho sa isang van na ginamit sa nasabing operasyon na lubos namang ikinatuwa ng mga estudyante.|Joenald Medina Rayos

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

It’s about time the government realigned the billions worth of flood control projects under the Department of Public Works and Highways (DPWH) to other...
Ozamiz City, Misamis Occidental – Young leaders in Ozamiz are taking center stage with the launch of the BRAVE Project (Building Resilient and Aware...
THE applause had not yet faded when Dharlene Gan of Dakila and the Active Vista Center stepped onto the stage, her words sharp and...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -