25 C
Batangas

Sen. Imee, binisita ang Batangas, binigyang-diin ang mga prayoridad na panukala sa muling pagtakbo

Must read

BAUAN, Batangas — ISANG araw bago ang pagtatapos ng kampanya, bumisita si Senadora Imee Marcos sa mga bayan ng Bauan at San Pascual, Batangas nitong Biyernes, Mayo 9, upang makiisa sa mga residente at magbigay ng mensahe ng suporta.

Sa kanyang talumpati, muling iginiit ng senadora ang kanyang panata sa patuloy na pagtulong sa lahat ng sektor, lalo na sa mga magsasaka, na aniya’y patuloy niyang ipinaglalaban ang kapakanan.

Kasabay nito, binigyang-diin din ni Senadora Imee ang ilan sa mga pangunahing panukalang batas na kaniyang isusulong sakaling muling mahalal sa Senado—kabilang na rito ang pagtatatag ng mga regional specialty hospitals, pagpapatupad ng pantay na minimum wage sa buong bansa, pagbibigay ng trabaho at hindi lamang ayuda, at pinalawak na suporta para sa mga Persons with Disabilities (PWD), bukod sa iba pa.

Sa pagtatapos ng kampanya, bitbit ng senadora ang mga kwento at hinaing ng bawat mamamayang kaniyang nakausap sa kaniyang patuloy na paglibot sa buong bansa.|

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

THE applause had not yet faded when Dharlene Gan of Dakila and the Active Vista Center stepped onto the stage, her words sharp and...
How can a seasoned geologist explain climate change to kids and how can kids understand such an intimidating concept? Through a children’s book and an...
The WVSU Cultural Center this Monday afternoon, September 8, was already alive before the program even began. In the lobby, ushers moved briskly, keeping...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -