26.7 C
Batangas

Suicide incidents sa lalawigan, tututukan; mental health council bubuin

Must read

SBy JOENALD MEDINA RAYOS

BATANGAS City – SA layuning matutukan ang patuloy na tumataas ng bilang ng kaso ng mental health-related incidents ng pagpapatiwakal at maagapan ang mga depressive syndrome, inihain ng isang lokal na mambabatas ang panukalang ordinasa para sa pagbuo ng mental health council sa Batangas.

Sa kaniyang privilege speech sa regular na sesyon ng Sangguniang Panlalawigan nitong Lunes, Oktubre 28, idinulog ni Acting Vice Governor, Senior Board Member Ma. Claudette U. Ambida ang panukalang Ordinance Creating the Provincial Mental Health Council and Providing for the Community-based Mental Health Program in the Province of Batangas and Appropriating the Necessary Funds Therefor.

Kinikilala ng panukalang ordinansa ang ulat ng Philippine Statistics Authority na ang mental health illness ang ikatlong pinaka-karaniwang form of disability sa bansa at ang napakataas na antas nito sa mga kabataan.

“Maging ang pag-aaral na ginawa ng Global Burden of Diseases noong taong 2015 ay nagsasabi na 3.3 milyong Pilipino ang naiulat na may depressive disorder at may mataas na antas ng pagpapatiwakal na umaabot ng 2.5 males and 1.7 females sa bawat 100,000 pasyente,”pahayag pa ni Ambida.

Kaya naman, sa ilalim ng inihaing panukalang ordinansa ay ipinanukala ng may-akda ang pagbuo ng Batangas Provincial Mental Health Council na siyang magiging pangunahing behikulo ng pamahalaang panlalawigan para sa pagbuo ng mga polisiya at programang ipatutupad para tukuyin ang mga pinagmumulan ng depressive disorder, makapaglatag ng mga programa para sa mas malawak na kampanya at kamalayan ukol sa mental health.

Kaagad namang isinalang sa joint hearing ng Committee on Health and Sanitation at Committee on Laws, Rules and Ordinances ang panukalang ordinansa kung saan ay paborableng inindorso ito ng Provincial Health Office (PHO) at iba pang kagawaran ng pamahalaang panlalawigan.|-BALIKAS News Network

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

Ozamiz City, Misamis Occidental – Young leaders in Ozamiz are taking center stage with the launch of the BRAVE Project (Building Resilient and Aware...
THE applause had not yet faded when Dharlene Gan of Dakila and the Active Vista Center stepped onto the stage, her words sharp and...
How can a seasoned geologist explain climate change to kids and how can kids understand such an intimidating concept? Through a children’s book and an...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -