25 C
Batangas

Team Storm Power, lutang sa Inter-School Taekwondo Feat

Must read

By ZYVIN GOFREDO

DASMARIÑAS, Cavite – MULI na namang ipinamalas ang husay at galing sa pakikipaglaban sa larangan ng taekwondo ang mga bumubuo ng Team Storm Power mula sa Lalawigan ng Cavite sa ginanap sa bayang ito nitong Linggo, Marso 18.

Higit pa sa inaasahan, naipakita ng buong koponan sa katatapos na Provincial Bro. Rolando Dizon Cup 2017 – Cavite Province Inter-School Taekwondo Championship sa De La Salle University – Dasmariñas ang angking husay sa taekwondo na nilahukan din ng iba’t ibang team mula sa lalawigan ng Cavite na pawang kasapi ng Philipppine Taekwondo Association (PTA).

Kabilang sa nagpamalas ng husay sa pakikipagbakabakan si Joaquin Benjamin Ramirez na miyembro ng Storm Power mula sa Kawit, Cavite.

Anim na taong gulang pa lang si Joaquin nang magsimula siang magsanay at sumabak sa iba’t ibang laban sa mga lalawigan ng Cavite, Batangas at Laguna at iba pang lugar sa bansa. Sa patuloy na pagsubaybay ng mga magulang niyang sina Reynaldo at Mary Jane Ramirez, at sa pagtutok ng coach na si Ross San Buenaventura at Assistant Coach na si Hewett San Buenaventura, nahasa ng tuluyan si Joaquin na siyang nagging puhunan niya sa ganitong mga kampeonato.

Samantala, narito ang mga nagsipagwagi sa naturang torneo:

THE WINNERS. |Photo Credit: Arbee Pineda

Sa Gold – Zha Zhang Bandoy, Jessa Robles, Gosh Bolano, at Margarita Cacpal. Sa Silver ay sina Harley San Buenaventura at Nico Clamosa; samantalang nakakuha naman ng bronze si Joaquin Benjamin Ramirez.|#BALIKAS_News

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

THE applause had not yet faded when Dharlene Gan of Dakila and the Active Vista Center stepped onto the stage, her words sharp and...
How can a seasoned geologist explain climate change to kids and how can kids understand such an intimidating concept? Through a children’s book and an...
The WVSU Cultural Center this Monday afternoon, September 8, was already alive before the program even began. In the lobby, ushers moved briskly, keeping...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -