29.1 C
Batangas

Team ViLucky, iniwan sa ere si Cong. Buhain; inendorso si Leviste

Must read

LEMERY, Batangas — DISMAYADO ang maraming mamamayan sa Kanlurang Batangas sa anila’y hindi na nakakatuwang kaganapan ngayong papalapit na ang araw ng halalan.

Sa mga post sa social media, ang mga tao na mismo ang nagkakaroon ng hidwaan sa pagtatanggol sa kani-kanilang sinusuportahang kandidato, bagay na hindi naman nangyayari sa mga nakalipas na halalan.

Isang linggo pa lamang mula nang opisyal na magsimula ang kampanyahan para sa mga posisyong lokal, ay nakita na agad ang pagsira sa mga posters ng ilang kandidato, bagay na nagiging daan ng pag-aaway-away ng mga supporters ng magkakalabang kandidato.

Ipinagtataka naman ng ilang mamamayan ang biglaang paglipat-bakod ni dating Lipa City Congresswoman Vilma Santos-Recto at paglipat ng sinusuportahang kandidato.

Mapapansin sa mga posts sa official social media pages ng mga Recto na mula noong mag-file ng Certificate of Candidacy ay engrandeng idineklara ng One Batangas sa pangunguna nina Kalihim Ralph G. Recto at asawang Vilma Santos Recto na ang kanilang opisyal na kandidato sa pagka-Kongresista ng Unang Distrito ay si incumbent Congressman Eric Buhain na kanila ring kapartido sa Nacionalista Party.

Si Buhain rin ang kasa-kasama sa mga naglalakihang tarpaulin at large screen presentations sa idinaos na Proclamation Rally sa Lungsod ng Calaca noong April 2, ngunit pagbalik sa Unang Distrito ng grupo ni Santos-Recto noong Abril 21 sa bayan ng Lemery, ay iniwan na nito si Buhain at sa halip at ang kasama na tarpaulin ay si independent candidate Leandro Legarda Leviste, anak nina dating Gobernador Antonio Leviste at Senadora Loren Legarda.

Magkakasama pa sa tarpaulin at sa entablado ang Team ViLucky ng One Batangas noong Abril 2, 2025 nang isagawa ang People’s Rally sa Lungsod ng Calaca.., bago pa iniwan si Congressman Eric Buhain.|

Ikinabigla naman ng mga tagasuporta ni Cong. Buhain ang anila’y biglang pang-iiwan sa ere ng Team ViLucky ng One Batangas sa isang orihinal na kasamahan ng mga Recto sa team na mismong ka-partido rin nila; at ang pag-eendorso sa kalaban nito na si Leviste.

Samantala, nagpahayag naman si Mayor Nas Ona ng City of Calaca na mananatili siyang nakasuporta kay Cong. Buhain. Naniniwala aniya siya na si Congressman Buhain pa rin ang may sapat na karanasan, kakayahan at seryosong programa para sa Unang Distrito ng Batangas.

Bukod kay Mayor Ona, buo rin ang tiwala at suporta ni incumbent Nasugbu Vice Mayor at mayoralty candidate Mildred Sanchez sa liderato ni Cong. Buhain sa Unang Distrito.

Dala ni Sanchez ang mahabang karanasang sa pagiging konsehal at vice mayor ng Nasugbu, at naging Provincial Board Member bilang tagapangulo ng Philippine Councilors’ League – Batangas Chapter; samantalang bukod sa mahabang panahong naging alkalde ng kauna-unahang city mayor ng Calaca, nagsilbi rin si Mayor Ona bilang Vice Governor ng lalawigan.

Dahil sa suporta nina Ona at Sanchez at ng iba pang local leaders sa Unang Distrito, naniniwala ang mga suporta ni Buhain na maitataguyod pa rin nila ang magandang laban, kahit iniwan na ang kongresista ng pamilya Recto.| – BNN

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

THE applause had not yet faded when Dharlene Gan of Dakila and the Active Vista Center stepped onto the stage, her words sharp and...
How can a seasoned geologist explain climate change to kids and how can kids understand such an intimidating concept? Through a children’s book and an...
The WVSU Cultural Center this Monday afternoon, September 8, was already alive before the program even began. In the lobby, ushers moved briskly, keeping...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -