25 C
Batangas

5 katao kabilang ang isang konsehal, arestado sa paglabag sa batas-halalan

Must read

By JOENALD MEDINA RAYOS

LIPA City — LIMANG katao, kabilang ang isang opisyal ng barangay, ang inaresto ng mga tauhan ng Lipa City Police Station sa Barangay Anilao Proper, sakop ng lungsod na ito, dahil sa umano’y mga paglabag sa Omnibus Election Code at Comelec Resolution No. 10429, nitong Lunes ng umaga.

Sa nakalap na impormasyon ng BALIKAS News, naaktuhan ng mga tauhan ng pulis-Lipa City ang mga naaresto na namamahagi ng mga tarheta at sample ballots ilang metro ang layo sa mga presinto.

Kinilala ni PLtCol Ramon Balauag ang mga naarestong sina (1) JULIAN RODEL LAYGO y Mandigma, 58, may-asawa, Barangay Councilor; (2) DOLORES SORIANO y Paradillo, 45, mananahi; (3) GREGORIO CAGUITLA y Alido, 41, tambay; (4) DIANE DELA ROSA y Magadia, 23, dalaga; at (5) MARIVIC CONTRERAS y Masupil, 33, may-asawa, tambay, –pawang mga residente ng nasabing barangay.

Kaagad na dinala sa presinto ng pulisya ang mga nabanggit na arestadong indibidwal para sa patuloy na pagsisiyasat.|#BALIKAS_News

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

THE applause had not yet faded when Dharlene Gan of Dakila and the Active Vista Center stepped onto the stage, her words sharp and...
How can a seasoned geologist explain climate change to kids and how can kids understand such an intimidating concept? Through a children’s book and an...
The WVSU Cultural Center this Monday afternoon, September 8, was already alive before the program even began. In the lobby, ushers moved briskly, keeping...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -