26 C
Batangas

Volleyball star Bryan Bagunas, kinilala ng Pamahalaang Panlalawigan

Must read

ISINULONG ni 1st District Board Member Junjun Roman Rosales ang isang Resolution of Commendation para kay Bryan Bagunas, isang Batangueño mula bayan ng Balayan, matapos itong mahirang bilang Men’s Volleyball Tournament Most Valuable Player (MVP), Best Outside Hitter, Best Scorer at Best Server sa katatapos lamang na UAAP Season 81 sa Maynila.

Pinangunahan ni Bagunas, na manlalaro ng National University (NU) Bulldogs Volleyball Team, ang kanilang koponan sa kampeonato, na may 13-1 record sa elimination.  Siya rin ang top scorer na gumawa ng 285 total points at most efficient spiker na may 53.4% efficiency.

Dahil dito, ipinahayag ni BM Rosales, sa kanyang privilege speech sa idinaos na 18th Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan noong ika-20 ng Mayo 2019, na nararapat lamang kilalanin ang karangalang ibinigay ni Bagunas sa probinsya, sa pamamagitan ng pagpasa ng isang Resolution of Commendation, kung saan nakapaloob na bibigyan ang atletang Batangueño ng Sertipiko ng Pagkilala at cash incentive mula sa pamahalaang panlalawigan.Marinela Jade M. Maneja

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

THE applause had not yet faded when Dharlene Gan of Dakila and the Active Vista Center stepped onto the stage, her words sharp and...
How can a seasoned geologist explain climate change to kids and how can kids understand such an intimidating concept? Through a children’s book and an...
The WVSU Cultural Center this Monday afternoon, September 8, was already alive before the program even began. In the lobby, ushers moved briskly, keeping...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -