26.3 C
Batangas

Batangueña, kinilalang Ulirang Ina National Awardee 2019

Must read

- Advertisement -

LUMIPAS na ang panahon kung saan ang tungkulin ng mga ina ay nakapaloob lamang sa apat na sulok ng tahanan, at marami na sa mga ito ay namamayagpag na rin sa iba’t ibang larangan gaya ng sa public service, business, sports, at iba pa. Kaya naman, hindi matata-waran ang malaking kontri-busyon ng mga ina sa bansa.

Kaugnay nito, binigyang pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas, si Gng. Francisca “Nini” Querrer, na hinirang kamakailan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) bilang 2019 Ulirang Ina National Awardee for Business and Industry, na malaking karangalan para sa buong lalawigan, sa Provincial Auditorium, Capi-tol Compound, Batangas City, Mayo 20.

Si Gng. Querrer, na tubong Lungsod ng Tanauan, ay namulat sa pagnenegosyo sa murang edad dahil sa kanyang ina na si “Nanay Iska” Lat, na noon ay nagmamay-ari ng isang maliit na grocery store. Pinagsikapan itong palaguin ni Gng. Querrer, kaagapay ang kanyang kabiyak na si Engr. Benedict “Dick” Querrer. Ito ay naging isang supermarket na may apat na palapag at walong cash registers, mula sa datihang dalawang kaha lamang, at kilala na maging sa mga karatig-bayan na Wrap and Carry Supermarket.

Si Gng. Querrer, na naging konsehal sa nasabing lungsod noong 2004 hang-gang 2007, ay kinilala sa pagi-ging isang role model bilang isang ina na naitaguyod ang kanyang pamilya at nakapag-patapos ng pag-aaral ng mga anak. Matagumpay din ito sa larangan ng pagnenegosyo at napalago ang tindahan ng kanyang mga magulang sa isang supermarket sa kasa-lukuyan.

Nagtapos ng BS Nursing sa Far Eastern University, si Querrer ay naging Presidente ng Rotary Club of Metro Tanauan, kasalukuyang na-mumuno sa Tanauan Micro, Small and Medium Enterprise Development Council, at pangulo ng Rice Retailers Association, na nagsusulong sa industriya ng bigas at nag-momonitor ng implementasyon ng mga regulasasyon sa mga retailers at distributors ng NFA rice.

Kinilala rin siyang Ulirang Ina ng Samahan ng Batangueña ng Timog Tagalog, Inc., na pinangungunahan ni Atty. Gina Reyes – Mandanas.| Shelly Umali at Marinela Jade Maneja

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

WHEN Christ explained the parable of the sower and the seed (cfr. Mt 13, 18-23), the obvious conclusion that we can make is that we should be the good ground to receive the seed of God’s word so that...
A silent revolution is underway in the busy field of education, where the curriculum always demands, and the clock is continuously running. This change is about something far more fundamental than flashy technology or popular teaching approaches—our attitudes. Psychologist...
OUT OF the seven plastic categories, the first two, namely Polyethylene Terephthalate (PET) and High-Density Polyethylene (HDPE) are the easiest to recycle, and therefore these are the most in demand in the recyclable market. Never mind the five others, because...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -