24.4 C
Batangas

Singilan ng pampublikong ospital at mga doktor, nilinaw ng PHO chief

Must read

By JOENALD MEDINA RAYOS

BATANGAS Capitol – PINAG-AARALAN ngayon ng pamahalaang panlalawigan, partikular ng Provincial Health Office (PHO), ang rate matrix ng mga pribadong doktor at iba pang mga espesyalista, na nagseserbisyo rin sa mga pampublikong pagamutan.

Ayon kay Dr. Rosvilinda Ozaeta, Provincial Health Officer, taong 2009 pa nagkaroon ng rate matrix ng mga serbisyong medikal at lubha itong malayo na sa umiiral na rate ng mga serbisyong medikal ng mga pribadong manggagamot.

Lumutang ang usaping ito nang usisain ni Philippine Councilors League (PCL)-Batangas president Leo Malinay na may mga pasyente ng mga pandistritong ospital sa lalawigan na bagaman at naiipasok sa zero billing status ay hindi naman umano makalabas ng ospital dahil sa hindi mabayarang professional fee ng mga pribadong doktor.

Ayon kay Ozaeta, bagaman at sila ay mga pribadong doktor, ang magiging singilan umano ng mga ito ay batay sa aprubadong rate matrix ng probinsya, kaya hindi dapat maging dahilan na hindi sila makalabas ng ospital dahil sa usapin ng professional fees.

Nilinaw rin ng opisyal na kung ang pasyenteng indigent ay kailangan talagang mai-confine ayon sa pagtaya ng doktor ngunit wala ng available na kama sa charity ward, ay ang mayroon lamang ay pribadong silid, maaari pa rin silang tanggapin sa pribadong silid bilang indigent, ngunit ipinaliliwanag din sa kanila na kakailanganin din silang ilipat sa charity ward kapag may bakante ng lugar dito.

Samantala, kung may bakante namang lugar o kama sa charity ward at ang pinili ng indigent patient ay pribadong kwarto, natural lamang na babayaran nila ang private room charges at hindi ito maituturing na zero billing case.| – BALIKAS News Network

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

THE applause had not yet faded when Dharlene Gan of Dakila and the Active Vista Center stepped onto the stage, her words sharp and...
How can a seasoned geologist explain climate change to kids and how can kids understand such an intimidating concept? Through a children’s book and an...
The WVSU Cultural Center this Monday afternoon, September 8, was already alive before the program even began. In the lobby, ushers moved briskly, keeping...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -