29.1 C
Batangas

2020 Annual Budget ng Batangas, nabigong makalusot sa SP

Must read

BATANGAS Capitol – NAKABITIN pa ngayon sa Sangguniang Panlalawigan ang panukalang taunang budget ng pamahalaang panlalawigan ng Batangas, at hindi pa rin malinaw kung kailan ito tuwirang mapagtitibay.

Ito’y matapos bigong makalusot sa pagdinig ng Committee on Appropriation ng konseho ang umano’y proposed lumpsum appropriation para sa Capital Outlay ng lahat ng mga departamento na batay sa isinumiteng panukalang budget ay pawang kukunin sa P4-bilyong nakatakdang utangin ng lalawigan sa Development Bank of the Philippines (DBP).

Nabatid na kakaiba sa mga nagdaang taon, ang mga departamento ng pamahalaang panlalawigan ay pawang walang nakalagay na panukalang budget sa ilalim ng Capital Outlay o pambili ng anumang kagamitan sa opisina gaya ng kompyuter at printer, mga makinarya at sasakyan para sa mga serisyong pangkalusugan, disaster operation and management, at iba pa.

Sa halip, ang mga nasabing kagamitan ay pawang panukalang kuhanin sa naturang P4-bilyon na uutangin nga sa DBP.

Pahayag ni Board Member Jhoanna Corona-Villamor, hindi umano kara-karaka nakalusot sa pagdinig ng komite ang lumpsum appropriation dahil hindi nga nakadetalye rito kung anu-anong kagamitan ang paglalaanan ng pondo, halimbawa ay kung ilang ambulansya o mobile clinic ang kakailanganing bilhin gamit ang naturang loan.

Dahil dito, hindi muna tinapos ang pagdinig sa Provincial Finance Committee, sa halip ay muli na lamang anyang tatawagin ang mga kasapi nito kapag handa nang ilahad sa komite ang detalyadong panukalang budget.|- BALIKAS News Network

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

THE applause had not yet faded when Dharlene Gan of Dakila and the Active Vista Center stepped onto the stage, her words sharp and...
How can a seasoned geologist explain climate change to kids and how can kids understand such an intimidating concept? Through a children’s book and an...
The WVSU Cultural Center this Monday afternoon, September 8, was already alive before the program even began. In the lobby, ushers moved briskly, keeping...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -