26.6 C
Batangas

Klase sa K-12, supendido pa rin sa buong lalawigan

Must read

By JOENALD MEDINA RAYOS

BATANGAS City – NANANATILING suspendido pa ang klase para sa K-12 level o pre-elementary hanggang senior high school sa lahat ng paaralang pribado at pampubliko sa buong lalawigan ng Batangas, hanggang sa oras na makapaglabas ng bagong anunsyo ang Provncial Disaster and Risk Reduction Management Council (PDRRMC).

Ito ang nilinaw ni PDRRM chairman at Batangas governor Hermilando I. Mandanas sa pulong balitaan, alas-dos ng hapon, Linggo, kasabay ng paglalabas ng Taal Volcano Eruption Bulletin No. 3.

Ayon pa sa gobernador, hindi lamang mga estudyanteng bakwit ang apektado ng pagputok ng bulkan, kundi maging ang kanila ring mga guro, na kakailanganin ding makapaghanda muna at maisaayos ang kanilang mga sariling pamilya bago makapagturo nang maayos.

Dagdag pa rito, marami pa ring silid-aralan ang nagsisilbing evacuation centers ng libu-libong mamamayan sa kasalukuyan, na kinakailangang maisaayos muna ulit kapag natapos nang mailipat ang mga classroom evacuees sa mga interim evacuation centers sa Malainin at Talaibon sa bayan ng Ibaan.

[Ang bagong anunsyong ito ng PDRRMC ay bilang paglilinaw na rin sa nanunang anunsyo noong Enero 22 na inakalang maibabalik na ang klase bukas, Enero 27,]| – BALIKAS News Network

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

It’s about time the government realigned the billions worth of flood control projects under the Department of Public Works and Highways (DPWH) to other...
Ozamiz City, Misamis Occidental – Young leaders in Ozamiz are taking center stage with the launch of the BRAVE Project (Building Resilient and Aware...
THE applause had not yet faded when Dharlene Gan of Dakila and the Active Vista Center stepped onto the stage, her words sharp and...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -