26 C
Batangas

Insurance para sa mga magsasaka, ipinagkaloob ng DA

Must read

Ni MARIE V. LUALHATI

BATANGAS City — PINAGKALOOBAN ng Department of Agriculture (DA) ng insurance coverage ang may 169 magsasakang kasapi ng Batangas City Vegetable Growers Association Inc. (BCVGAI) kasama na rin ang kanilang mga pananim at iba pang agricultural assets bilang proteksyon sa sektor ng agrikultura sa lunsod.

Ang naturang insurance ay bunga ng pakikipagtuwang ng pamahalaang lunsod sa pamamagitan ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS) sa DA at Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC). Ito’y ipinagkaloob ng libre sa mga magsasaka kung kaya’t wala silang babayarang monthly premium. Saklaw nito ang mga pananim na masisira dahil sa mga kalamidad kagaya ng bagyo, baha, tag-tuyot at iba at sa sakit sa halaman at peste.

Inilunsad ang insurance sa 12th Annual General Assembly ng Batangas City Vegetables Growers Association Inc. sa OCVAS Research Training Center, Marso 22.

Ang iba’t ibang pananim, livestock at iba pang agricultural products ay may magkakaibang insurance coverage ayon sa guidelines ng PCIC. Ang mga magsasaka naman ay protektado ng Agricultural Producers Protection Plan at Accident and Dismemberment Security Scheme sakaling sila ay mamatay o magkaroon ng permanent disability dahil sa aksidente, natural na kadahilanan at iba pa.

Ayon kay City Veterinarian Macario Hornilla, binibigyang proteksyon ng administrasyon ni Mayor Beverley Dimacuha ang sektor ng agrikultura sa lunsod at patuloy itong pinauunlad sa kabila ng pagiging industriyalisado ng Batangas City.

HINIKAYAT ni Dr. Mac Hornilla, hepe ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS) ang ga magsasaka na samantalahin ang mga programa ng pamahalaan para lubos na mapakinabangan.|Photo Credit: CITY PIO

“Ang Batangas City ay pwedeng ipantay sa Baguio, pwede ditong mag-grow ng maraming halaman at prutas na nabibili sa Benguet at hindi rin tayo gaanong dinadaanan ng kalamidad,” dagdag pa ni Hornilla.

Hiniling ni Hornilla sa nasabing samahan na pagyamanin ang lupang taniman at makinabang sa mga programa ng pamahalaan at hikayatin aniya nila ang kanilang mga anak na kumuha ng kurso sa agrikultura.

Ang Batangas City Vegetables Growers Asso. Inc. ay pinamumunuan ng pangulo ni Victor Malibiran bilang pangulo. Ito ay tumanggap na ng iba’t ibang pagkilala sa larangan ng agrikultura sa lalawigan at ngayon ay nominado sa Outstanding Farm Group sa Gawad SAKA Region IV. Ang kasapi nito na si Monte Manalo ay nominated din bilang Outstanding Farmer- High Value Crop (vegetable) at ang pamilya ni Malibiran bilang Outstanding Farm Family.| #BALIKAS_News

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

THE applause had not yet faded when Dharlene Gan of Dakila and the Active Vista Center stepped onto the stage, her words sharp and...
How can a seasoned geologist explain climate change to kids and how can kids understand such an intimidating concept? Through a children’s book and an...
The WVSU Cultural Center this Monday afternoon, September 8, was already alive before the program even began. In the lobby, ushers moved briskly, keeping...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -