26.6 C
Batangas

3 lalaki arestado sa magkahiwalay na buy bust operation

Must read

By GHADZ RODELAS

LIPA City – ARESTADO ang tatlong (3) lalaki sa magkakahiwalay na buybust operations ng otoridad sa lunsod na ito.

Unang naaresto ng Drug Enforcement Unit ng Lipa City Police Station ang dalawang (2) lalaking nakilalang sina Samuel Carreon at Remmar Saludes sa Sitio Sto. Toribio, sa Barangay Marawoy.

Positibong nakabili ng isang sachet ng hinihinalang shabu ang police na nagpanggap na buyer sa dalawa na lulan ng isang itima na pick-up truck.

Tatlo pang sachet ng hinihinalang shabu ang narekober sa mga ito, P3,000 cash at ang cellphone na ginamit ng dalawang suspek sa transaksyon.

Samantala, arestado naman sa Barangay Bugtong na Pulo si Jerome Fabroa na nabilihan din ng pulis an nagpanggap na buyer ng isang sachet ng hinihinalang shabu.

Nakuha sa kaniyang pag-iingat ang isang coin purse na naglalaman ng dalawa pang sachet ng hinihinalang shabu, teleponong ginamit sa transaksyon ay ang P500 marked money.

Hanggang sa sandaling sinusulat ang balita, pawang nakapiit sa Lipa City Police Station Custodial Facility ang tatlong suspek na ngayo’y nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.|#BALIKAS_News

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

It’s about time the government realigned the billions worth of flood control projects under the Department of Public Works and Highways (DPWH) to other...
Ozamiz City, Misamis Occidental – Young leaders in Ozamiz are taking center stage with the launch of the BRAVE Project (Building Resilient and Aware...
THE applause had not yet faded when Dharlene Gan of Dakila and the Active Vista Center stepped onto the stage, her words sharp and...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -