24.3 C
Batangas

Job Fair: Trabaho, Negosyo at Kabuhayan, isinagawa sa Sto. Tomas

Must read

LibU-libong trabaho ang inialok kamakailan sa isinagawang Job Fair: Trabaho, Negosyo at Kabuhayan sa Oasis Gymnasium First Philippine Industrial Park, Barangay Sta Anastacia, Lungsod ng Sto. Tomas.

Sa ngalan ni Mayor Edna P. Sanchez ay hinikayat ni Vice Mayor Armenius O. Silva ang bawat applikante na huwag tumigil mangarap at patuloy na magsumikap sa buhay.
Pinasalamatan din ni Vice Mayor Silva ang FPIP sa inisyatibo ni G. Marco Amurao at G. JC Navarete kasama ang labing apat na lokal direct hiring companies at national agencies ng SSS, DTI at Philhealth na naghatid serbisyo at oportunidad sa negosyo.

Nakapagtala naman ng 42 hired on the spot at 543 for further interview. Ang pagsubaybay sa mga resulta ng post-job fair ay patuloy na ginagawa ng Public Employment Service Office – Sto. Tomas para malaman kung mas marami pang aplikante ang matagumpay na maka-pasa sa mga karagdagang panayam o pagsusulit mula sa mga employer hanggang tuluyang makapasok sa trabaho.

Present din sina City Councilor Ante Arcillas, City Councilor Adrian Carpio, JCI Sto. Tomas Batangan sa pangunguna ni JCI Youth Director Harold Glenn Nora at Ms. Baby Centeno.|-BNN

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

THE applause had not yet faded when Dharlene Gan of Dakila and the Active Vista Center stepped onto the stage, her words sharp and...
How can a seasoned geologist explain climate change to kids and how can kids understand such an intimidating concept? Through a children’s book and an...
The WVSU Cultural Center this Monday afternoon, September 8, was already alive before the program even began. In the lobby, ushers moved briskly, keeping...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -