25.3 C
Batangas

Gov. Mandanas, patuloy sa paghikayat ng investors sa Lalawigan ng Batangas

Must read

- Advertisement -

By ALMIRA M. EJE

PATULOY ang pakikibahagi ni Gov. Dodo Mandanas sa mga pagtitipon upang makahikayat ng mga investors at business institutions na mamuhunan sa Lalawigan ng Batangas, kabilang na ang pagsama sa mga trade missions and forum sa ibang bansa.

Kasama si Gov. Mandanas sa delegasyon ng Pilipinas, na pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Abril 9-12, na lumahok sa Boao Forum for Asia (BFA) Annual Conference 2018 na ginanap sa Hainan Province, China. Ang forum, na may temang, “An Open and Innovative Asia for a World of Greater Prosperity,” ay naghahangad ng pag-unlad sa buong Asya sa pamamagitan ng pagsasama at pagkakaisa ng mga ekonomiya sa rehiyon.  Sunod silang lumipad sa HongKong upang makapagdiyalogo sa Filipino community.

Naging guest of honor and speaker din si Mandanas sa Batangas Investment and Tourism Forum na gaganapin sa April 19 sa Las Vegas, Nevada; April 26 sa Houston, Texas; at April 28 sa Glendale, California, sa Estados Unidos.

Sa kanyang mensahe sa mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, binigyang-diin ni Provincial Administrator Levi Dimaunahan na ginagawa ni Gov. Mandanas ang lahat ng kanyang makakaya nang sa gayon ay maging mas competitive ang Lalawigan ng Batangas.

Sa pamamagitan ng mga investments, dadami ang mga negosyo na magbubukas ng mas maraming mga trabaho para sa mga Batangueño na makakatulong at magpapalakas sa ekonomiya. Ayon pa sa kanya, isa din sa mithiin ng gobernador na ang Lalawigan ng Batangas ay magustuhang venue o site para sa mga mamumuhunan mula sa ibang bansa.

Patuloy din ang paghihikayat ni Gov. Mandanas sa mga investors na mamumuhunan sa infrastructure projects upang mas marami pang businessmen ang maengganyong magbukas ng kanilang mga negosyo dito.|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

FOUR farmer associations from the Municipalities of Nasugbu, Laurel, and Lobo, Batangas, received carrageenan plant growth promoter (PGP) and knapsack sprayers from the Department of Science and Technology (DOST)-CALABARZON thru DOST-Batangas as support for their rice production aimed at...
BATANGAS — Three food manufacturing firms in the western part of the province underwent a refresher training on food safety conducted by the Department of Science and Technology (DOST)-Batangas at each firm's production plant, April 26. These firms include Samahan...
"Banal na Aso, Santong Kabayo" by Yano is among the most profound and controversial songs in Philippine music history. This folk-punk masterpiece, which paints a vivid picture of social critique, will reverberate through the ages because its relevance has...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -