26.7 C
Batangas

DSWD namahagi ng financial assistance sa may 252 higit na nangangailangan

Must read

- Advertisement -

BATANGAS City — TUMANGGAP na ng financial assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Rergion IV-A ang may 252 beneficiaries sa lungsod ng Batangas. Ang mga ito ang ikatlong batch ng napagkalooban ng tulong pinansyal sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ni Congressman Marvey Mariño sa nasabing ahensya.

Nakapaloob sa naturang financial assistance ang medical, burial at educational, kung saan ang mga beneficiaries ay tumanggap ng halagang depende sa kanilang nagastos at assessment ng social workers na nagsagawa ng interview sa kanila.

Nagpapasalamat si Cong. Mariño dahil nabibigyan siya ng pondo mula sa national fund para sa mga higit na nangangailangang residenteng lunsod.

“Ginagawa ko pong lahat ng paraan, at mabuti na rin may kakayahan ang inyong congressman kaya tayo ay nakakakuha ng pondo sa national government para sa mga programa at proyektong makakabenepisyo sa Batangas City”, dagdag ni Mariño.

Isa pa rin aniya sa pinopondohan ng national government ay ang Startoll-Pinamucan By-pass road kung saan ayon kay Mariño ay butas na ang daan papuntang Ibaan, San Pedro at Dalig. Naglaan naman ang pamahalaang lungsod ng pondo para sa right-of-way ng proyekto.

Sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ni Cong. Mariño sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ay tuluy-tuloy naman ang konstruksyon ng slope protection sa mga barangay sa baybay dagat.

Hiniling naman ni Mayor Beverley Dimacuha na habang ipinatutupad ng kanilang administrasyon ang mga infrastructure projects at mga social services programs ay patatagin ang pamilyang Batangueño. Dapat aniyang ipadama ng mga magulang ang pagmamahal sa kanilang mga anak at turuan sila ng magandang asal upang maging mabuting mamamayan ng komunidad.|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

‘If necessary, the government should also subsidize rice traders, not just small retailers, in order to keep the price caps sustainable’ House minority leader warns of potential ‘foreign state actors’ exploiting global surge in rice prices to undermine PH, other...
The countdown to Christmas Day begins on September 16 as SM launches a host of fun activities, deals, and surprises for each member of the family.  It starts with surprises each day! From September 16 to December 25, someone lucky...
NINE cooperative beneficiaries for food processing enterprises of the Department of Agriculture - Philippine Rural Development Project (DA-PRDP) in CALABARZON were trained on Food Safety Hazards and current Good Manufacturing Practices (cGMP) facilitated by the Department of Science and...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -