By ALMIRA M. EJE
PATULOY ang pakikibahagi ni Gov. Dodo Mandanas sa mga pagtitipon upang makahikayat ng mga investors at business institutions na mamuhunan sa Lalawigan ng Batangas, kabilang na ang pagsama sa mga trade missions and forum sa ibang bansa.
Kasama si Gov. Mandanas sa delegasyon ng Pilipinas, na pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Abril 9-12, na lumahok sa Boao Forum for Asia (BFA) Annual Conference 2018 na ginanap sa Hainan Province, China. Ang forum, na may temang, โAn Open and Innovative Asia for a World of Greater Prosperity,โ ay naghahangad ng pag-unlad sa buong Asya sa pamamagitan ng pagsasama at pagkakaisa ng mga ekonomiya sa rehiyon.ย Sunod silang lumipad sa HongKong upang makapagdiyalogo sa Filipino community.
Naging guest of honor and speaker din si Mandanas sa Batangas Investment and Tourism Forum na gaganapin sa April 19 sa Las Vegas, Nevada; April 26 sa Houston, Texas; at April 28 sa Glendale, California, sa Estados Unidos.
Sa kanyang mensahe sa mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, binigyang-diin ni Provincial Administrator Levi Dimaunahan na ginagawa ni Gov. Mandanas ang lahat ng kanyang makakaya nang sa gayon ay maging mas competitive ang Lalawigan ng Batangas.
Sa pamamagitan ng mga investments, dadami ang mga negosyo na magbubukas ng mas maraming mga trabaho para sa mga Batangueรฑo na makakatulong at magpapalakas sa ekonomiya. Ayon pa sa kanya, isa din sa mithiin ng gobernador na ang Lalawigan ng Batangas ay magustuhang venue o site para sa mga mamumuhunan mula sa ibang bansa.
Patuloy din ang paghihikayat ni Gov. Mandanas sa mga investors na mamumuhunan sa infrastructure projects upang mas marami pang businessmen ang maengganyong magbukas ng kanilang mga negosyo dito.|#BALIKAS_News