26.6 C
Batangas

Ejercito, hinikayat ang mga magulang na maglunsad ng ‘giyera laban sa tigdas’

Must read

HINIKAYAT ni reelectionist Senador JV Ejercito ang mga magulang na maglunsad ng “giyera laban sa tigdas” sa pamamagitan ng pagpapabakuna sa kanilang mga anak.

“Sa mga magulang, pabakunahan na natin ang ating mga baby and children against measles and other vaccine-preventable diseases. Go to health centers and government hospitals immediately and have your kids immunized, it is free,” sabi nito sa isang statement.

Ayon kay Ejercito, kailangan umanong mga magulang mismo ang manguna ng laban kontra sa naturang sakit na nagdulot na ng kamatayan na karamihan ay mga bata.

“I am calling on parents to declare ‘war on measles.’ Parents are the first line of defense and we have to act now before the measles enters into our houses,” aniya.

Ang panawagan ay ginawa ni Ejercito, binansagang “Mr. Healthcare” dahil sa pagsusulong nito ng Universal Health Care measure, makaraang umapela si Presidente Duterte sa mga magulang na pabakunan ang kanilang mga anak laban sa tigdas.

“The death count due to measles must stop now. Vaccination will save children’s lives,” sabi nito.|

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

MANILA – Domestic fuel prices are anticipated to increase by as much as PHP 1.20 per liter next week, driven by fluctuations in global...
KRAMATORSK, Ukraine – Amid the fighting between Ukrainian and Russian forces in eastern Ukraine, another quieter but deeply symbolic conflict is playing out —...
OF course, it makes sense to grow tilapia in fishponds, considering they sell for about ₱43 to ₱271 per kilo. But why grow tilapia when...
- Advertisement -spot_img

Latest article

- Advertisement -spot_img