BATANGAS City — NAALARMA na ang ilang lokal an opisyal sa Batangas sa patuloy na pagtaas ng kaso ng tigdas sa buong Calabarzon Region, partikular sa Lalawigan ng Batangas dahilan upang hilingin sa mga konsernadong ahensya ng pamahalaan na gumawa ng mga kinakailangnag aksyon para masugpo nag naturang sakit.
Sa pinakahuling tala ng Department of Health (DoH) – Center for Health Development – IV-A, umabot na sa kabuuang 2,328 kaso ng tigdas ang naitala sa rehiyon at may 55 katao na ang namatay.
Sa naturang bilang, pinakamaraming kaso ang naitala sa Rizal na umabot ng 1,268 na kaso at 40 na ang namatay.
Sa iba pang lalawigan, 284 ang naitala sa Cavite na may 7 namatay; 325 kaso sa Laguna na may 6 na namatay; 236 na kaso ang naitala sa Batangas samantalang 215 kaso sa Quezon. Kapwa tig-1 ng namatay sa Batangas at Quezon.
Kaugnay ng mga kaganapang ito, nanawagan si Bokal Arlina Magboo, tagapangulo ng Committee on Health sa Sangguniang Panlalawigan, sa mga konsernadong ahensya ng pamahalaan, partikukar sa Provincial Health Office na lalo pang tutukan at palakasin ang programa ng nasabing tanggapan upang tuluyang masugpo o mapigilan man lang ang patukoy na pagkalat at pananalasa ng sakit na tigdas.| Joenald Medina Rayos