26.9 C
Batangas

P9.6-bilyong halaga ng shabu, huli sa checkpoint sa Batangas

Must read

- Advertisement -

ALITAGTAG, Batangas – NAKAKULONG ngayon sa custodial facility ng Batangas Provincial Police Office (BPPO) ang drayber ng isang commuter van na nasabat ng pulisya sa isang checkpoint sa Barangay Pinagkurusan sa bayang ito, Lunes ng umaga, samantalang naisampa na rin sa piskalya ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act. Kargado ang naturang Foton Van ng tinatayang dalawang toneladang hinihinalang shabu na may market value na P13.3 bilyon.

Noon ding Lunes ng umaga, iniharap ni Interior and Local Government secretary Benhur Abalos ang suspek, at ang saku-sakong kontrabando. Kasama ni Abalos sa naturang media briefing sina PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil, Philippine Drug Enforcement Agency deputy director general Renato Gumban, PNP regional director Paul Kenneth Lucas at Batangas governor Hermilando I. Mandanas.

Hindi man inihayag ni Abalos ang pagkakakilanlan ng nasakoteng drayber ng van, kinilala naman ito ng mga imbestigador na si Ajalon Michael Zarate, 47, ng Barangay Masagana, Quezon City.

Nabatid pa na galing sa direksyon ng bayan ng Sta. Teresita ang naturang van at patungo naman sa direksyon ng Lipa City nang ito ay parahin sa checkpoint

Nang hingin ng mga pulis ang driver’s license ni Zarate, napansin kaagad umano ng mga alagad ng batas na hindi na mapakali ang drayber, dahilan upang magduda ang pulisya sa mga kargamento ng van na natatabunan ng mga sako. Nang alisin umano ang mga takip na sako, dito na tumambad ang malaking bulto ng mga kontrabando na nakasilid sa mga sako at malalaking supot na plastic. 

Nang isailalim sa pagsusuri ng mga forensic experts, nakumpirmang mga shabu ang naturang kargamento.

Sa naturang media briefing, binigyan ni Abalos ng spot promotion si Alitagtag police chief Capt. Luis de Luna bilang pagkilala umano sa kaniyang kagitingan at katapatan sa pagtupad sa tungkulin na mahuli ang suspek, na hindi nasilaw sa salapi at napanatiling buo ang mga narekober na kontrabando. Kinilala rin ni Abalos ang buong team na nagsagawa ng naturang operasyon.

Martes ng umaga, personal na tumungo sa bayan ng Alitagtag si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. kung saan ay tiniyak naman ni Abalos na ‘intact’ ang chain of custody ng mga narekober na kontrabando. Matapos ang masusing pag-imbentaryo, sinabi ng pulisya na ang nasabat na shabu ay may kabuuang timbang na 1,424.253 kilo at tinatayang halaga na P9,684,920,400.

Itinuturing ng pulisya na ito pa rin ang pinakamalaking huling shabu sa lahat ng anti-illegal drug operations sa kasaysayan ng pambansang pulisya, na ngayon naman ay nai-turn-over na sa kustodiya ng PDEA.| – Joenald Medina Rayos

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

BALAYAN, Batangas – AFTER undergoing monitored home isolation and receiving appropriate medical care, the first Mpox case recorded in CaLaBaRZon, a 12-year-old male from this town, was tagged as recovered and given clearance on September 13, 2024. The patient started...
In 1916, Albert Einstein theorized that two merging black holes create ripples in the spacetime fabric, similar to how a pebble creates ripples in a pond. These ripples, called gravitational waves, stretch and squeeze spacetime in amounts so minuscule...
Kailangang magbuo ng isang corporate entity na siyang magpapaunlad sa Laguna Lake upang makamit ang buong potensyal nito. Ito ang panawagan ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Miyerkules, September 11, 2024, sa kanyang sponsorship sa Senate Bill No. 2647 na...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -