26 C
Batangas

Pakikibaka Ngayon: Kalayaan laban sa korapsyon, malnutrisyon at kakulangan sa edukasyon

Must read

ARAW NG KALAYAN. Pinangunahan nina Vice Gov. Ona, na siyang kumatawan sa on official leave na si Gov. Dodo Mandanas; mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan; at mga department heads, sa pangunguna ni Chief of Staff Abel Bejasa, ang pagdiriwang ng ika-120 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa Marble Terrace ng Kapitolyo ng Batangas, Hunyo 12.|Photo by ERIC ARELLANO

By VINCENT ALTAR

SA modernong panahon, ang pakikibaka para sa kalayaan ay upang magkaroon ng kalayaan laban sa korapsyon, malnutrisyon at kakulangan sa edukasyon.

Ito ang binigyang-diin ni Vice Gov. Nas Ona sa kanyang mensahe sa okasyon ng pakikiisa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pagdiriwang ng ika-120 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas noong June 12, 2018 sa Marble Terrace ng Kapitolyo ng Batangas, sa Lunsod Batangas.

“Mahalagang alalahanin natin ang mga bayaning nagsakripisyo ng buhay upang makamit natin ang ating kalayaan,” dagdag pa ng bise gobernador. “Pero kinakailangan din tayong manindigan upang patuloy tayong maging totoong malaya sa kasalukuyan.”

Nagsama-sama ang mga opisyal at kawani ng pamahalaang panlalawigan sa isang simpleng pagtitipon upang itaas ang bandila ng Pilipinas, at pagkatapos ay nagpakawala ng mga lobo na naaayon sa mga kulay ng bandila.

Pinangunahan ang Independence Day Rites nina Vice Gov. Ona, na siyang kumatawan sa on official leave na si Gov. Dodo Mandanas; mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan; at mga department heads, sa pangunguna ni Chief of Staff Abel Bejasa.  Kasalukuyang nasa China si Gov. Mandanas para sa serye ng pagpupulong sa mga investors na inaasahang mamumuhunan sa lalawigan.

Sa kabila ng napakaulang lagay ng panahon, tila pinagbigyan ang mga public servants ng pamahalaang panlalawigan na maidaos ang paggunita sa Araw ng Kalayaan sa open grounds sa harap ng Kapitolyo nang tumila at bahagyang umaraw bago mag alas-otso ng umaga.

Nakiisa rin sa pagtitipon ang ilang kawani ng mga national government agencies sa lalawigan, mga miyembro ng Philippine Army, at ang Alangilan Central Elementary School Drum and Lyre Corps ng Lunsod Batangas.|#BALIKAS_News

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

THE applause had not yet faded when Dharlene Gan of Dakila and the Active Vista Center stepped onto the stage, her words sharp and...
How can a seasoned geologist explain climate change to kids and how can kids understand such an intimidating concept? Through a children’s book and an...
The WVSU Cultural Center this Monday afternoon, September 8, was already alive before the program even began. In the lobby, ushers moved briskly, keeping...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -