ARAW NG KALAYAN.ย Pinangunahan nina Vice Gov. Ona, na siyang kumatawan sa on official leave na si Gov. Dodo Mandanas; mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan; at mga department heads, sa pangunguna ni Chief of Staff Abel Bejasa, ang pagdiriwang ng ika-120 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa Marble Terrace ng Kapitolyo ng Batangas, Hunyo 12.|Photo by ERIC ARELLANO
By VINCENT ALTAR
SA modernong panahon, ang pakikibaka para sa kalayaan ay upang magkaroon ng kalayaan laban sa korapsyon, malnutrisyon at kakulangan sa edukasyon.
Ito ang binigyang-diin ni Vice Gov. Nas Ona sa kanyang mensahe sa okasyon ng pakikiisa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pagdiriwang ng ika-120 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas noong June 12, 2018 sa Marble Terrace ng Kapitolyo ng Batangas, sa Lunsod Batangas.
โMahalagang alalahanin natin ang mga bayaning nagsakripisyo ng buhay upang makamit natin ang ating kalayaan,โ dagdag pa ng bise gobernador. โPero kinakailangan din tayong manindigan upang patuloy tayong maging totoong malaya sa kasalukuyan.โ
Nagsama-sama ang mga opisyal at kawani ng pamahalaang panlalawigan sa isang simpleng pagtitipon upang itaas ang bandila ng Pilipinas, at pagkatapos ay nagpakawala ng mga lobo na naaayon sa mga kulay ng bandila.
Pinangunahan ang Independence Day Rites nina Vice Gov. Ona, na siyang kumatawan sa on official leave na si Gov. Dodo Mandanas; mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan; at mga department heads, sa pangunguna ni Chief of Staff Abel Bejasa. ย Kasalukuyang nasa China si Gov. Mandanas para sa serye ng pagpupulong sa mga investors na inaasahang mamumuhunan sa lalawigan.
Sa kabila ng napakaulang lagay ng panahon, tila pinagbigyan ang mga public servants ng pamahalaang panlalawigan na maidaos ang paggunita sa Araw ng Kalayaan sa open grounds sa harap ng Kapitolyo nang tumila at bahagyang umaraw bago mag alas-otso ng umaga.
Nakiisa rin sa pagtitipon ang ilang kawani ng mga national government agencies sa lalawigan, mga miyembro ng Philippine Army, at ang Alangilan Central Elementary School Drum and Lyre Corps ng Lunsod Batangas.|#BALIKAS_News