31.7 C
Batangas

Patay na balyena, napadpad sa baybay-dagat ng Infanta

Must read

- Advertisement -

INFANTA, Quezon — Isa na namang bangkay ng sperm whale o balyena na malapit nang maagnas at itinutulak ng mga alon ang natagpuang ng mga taga Dinahican, sa bayang ito nitong nakalipas na Linggo, Abril 14.

Agad namang nireport ng mga taga-Dinahican sa kinauukulan ang napadpad na balyena sa kanilang baybay dagat ba agad namang tinugunan ng lokal na pamahalaan ng Infanta sa pangunguna ng Municipal Agricultural Office (MAO), Municipal Environmental and Natural Resources Office (MENRO), DENR CENRO-Real at ng Coast Guard Sub-Station (CGSS) ng Infanta.

Ayon kay CGS ENS Neptali L. Rafuli Jr. ng Philippine Coast Guard kaagad ding inilibing sa baybay dagat ng Dinahican ang nasabing labi ng patay na balyena kung saan kinailangan nilang gumamit ng mga heavy equipment o back hoe dahil sa laki ng nasabing balyena.

Kinailangan pa rin nilang dalahin sa mataas na bahagi ng baybay dagat ang bangkay ng balyena at ilibing sa layong humigit kumulang 80 meters away mula sa pampang o shoreline.

Kung anuman ang dahilan ng mga pagkamatay at stranding ng nga pawikan kung ito man ay dahil sa natural na dahilan,  climate changes man o gawa ng tao. 

Nakakapagalala ito dahil malimit na, na may na-i-stranded lagi sa ating mga shorelines na mga patay o agaw buhay na balyena, butanding, dolphins at pawikan na kailangang mas malalim na maimbestigahan ng nga eksperto at kinauukulan tulad ng BFAR dahil sakop ito ng mandato ng batas sa kanilang tanggapan, at DENR sa pawikan.| – Jay Lim

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

BAUAN, Batangas – Sa pagtataguyod ng kalusugan at kapakanan ng 407 Batangueño, nasagawa ang tanggapan nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano ng dalawang araw na medical caravan sa bayan ng Bauan kamakailan na nagbigay tulong sa daan-daang kababaihan at mga...
BAUAN, Batangas — KINILALA ng multi-biyonaryong mamumuhunan na si Enrique Razon ang maayos na road network sa Batangas na siyang susi upang maglagak ng naturang negosyante ng $800-milyong pamumuhunan sa Lalawigan ng Batangas.  Sinabi ni Christian R. Gonzales, executive vice president...
The BIGGEST SALE in Town is here again! Grad your fave brands, dine with your family and friends, and enjoy the Summer Sale perks only SM Malls can give you. Come and visit SM Center Lemery 3-DAY SALE this...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -