25 C
Batangas

Sa pagtaas ng inflation rate at presyo ng bilihin, tax relief ordinance, pinagtibay ng Sanggunian

Must read

By JOENALD MEDINA RAYOS

BATANGAS City – KASUNOD ng pagpalo ng mataas na antas ng inflation at pagbaba ng halaga ng piso na nagpapataaas naman sa presyo ng mga bilihin, kagyat na umaksyon ang Sangguniang Panlalawigan at pinagtibay nitong Lunes, Setyembre 24 ang isang Tax Relief Ordinance.

Upang agarang maipatupad ang ordinansa, sinuspinde ang internal rules and procedure ng Sangguniang Panlalawigan at pagkatapos na maiulat ng Committee on Ways and Means na pinamumuan ni Board Member Jonas Patrick M. Gozos ay itinuloy na rin ng konseho ang pagpapatibay sa Ikalawa, at Ikatlo at Huling Pagbasa ang Ordinance Granting Tax Relief on Delinquent Real Property Taxes in the Province of Batangas na inakda rin ni Gozos.

Saklaw ng ordinansa ang arrears o pagkakautang sa mga bayarin sa buwis ng lahat ng mga may ari-arian sa 31 bayan ng Lalawigan ng Batangas. Ngunit binigyang-linaw ni Gozos na hindi saklaw ng Ordinansa ang (1) mga ari-ariang nasubasta na at naimbargo na pabor sa pamahalaang panlalawigan, (2) mga ari-ariang nakapaloob sa anumang compromise agreement; at (3) mga ari-ariang saklaw ng anumang usaping legal sa alinmang sangay ng hukuman o ahensya ng pamahalaan.

Maaari lamang mag-apply ang isang mamumuwis na nagnanais makinabang sa tax relief program hanggang Disyembre 31, 2018, samantalang one-time payment sa pamamagitan ng pagbabayad ng Cash, Manager’s Check o Cashier’s Check lamang ang papayagang term of payment.

Bunga ng pagpapasa ng naturang ordinansa, pansamantalang hindi muna magsasagawa ng anumang subasta ng ari-arian ang pamahalaang panlalawigan kung ang dahilan ng pagsubasta ay bunga ng hindi kaagad pagbabayad ng mga kaukulang buwis sa mga ari-ariang di natitinag.

Samantala, inutusan din ng ordinansa ang mga opisyal ng barangay na ipakalat ang impormasyon ukol dito at ipaskil sa kani-kanilang barangay ang mga ari-ariang maaaring masakop ng tax relief program.

Pahayag ni Bokal Gozos, naniniwala siya na malaking tulong ito sa mga mamumuwis na hindi makabayad ng kaukulang buwis ngayong patuloy na humihina ang halaga ng piso at batid niya na ang pagpapatibay ng ordinansa ay sumusunod sa guidelines ng Local Government Code ukol sa pagpapatipay ng tax relief ordinance.

Hinikayat din ni Bise Gobernador Sofronio Nas Ona ang lakat ng kagawad ng Sangguniang Panlalawigan na suportahan ang ordinansa at bawat isa naman ay bumoto pabor sa ordinansa.|#BALIKAS_News

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

THE applause had not yet faded when Dharlene Gan of Dakila and the Active Vista Center stepped onto the stage, her words sharp and...
How can a seasoned geologist explain climate change to kids and how can kids understand such an intimidating concept? Through a children’s book and an...
The WVSU Cultural Center this Monday afternoon, September 8, was already alive before the program even began. In the lobby, ushers moved briskly, keeping...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -