25 C
Batangas

SPES applicants sa lunsod, kumuha ng qualifying exam

Must read

KUMUHA na ng qualifying examination ang may 428 kabataang nagnanais mapabilang sa Special Program for Employment of Students (SPES) grantees ngayong taon.

Mula rito ay kukuha ang Public Employment and Services Office (PESO) ng 150 grantees habang 50 slots naman para sa mga dating SPES grantees.

Ang mga makakapasa ay sasailalim sa interview sa Abril 24 na susundan naman ng orientation sa Abril 27.

Tatagal ng 22 araw ang kanilang summer jobs sa iba’t ibang departamento ng pamahalang lunsod mula May 2-31.

Taong 1995 nang magsimula ang SPES program sa lunsod na naglalayong maging kapaki-pakinabang ang summer vacation sa mga estudyante.

Sila ay tatanggap ng honorarium na P 477.73 kada araw kung saan 40% ng kanilang sweldo ay manggagaling sa Department of labor and Employment (DOLE) at 60% naman ay sa pamahalaang lunsod.|#BALIKAS_News

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

THE applause had not yet faded when Dharlene Gan of Dakila and the Active Vista Center stepped onto the stage, her words sharp and...
How can a seasoned geologist explain climate change to kids and how can kids understand such an intimidating concept? Through a children’s book and an...
The WVSU Cultural Center this Monday afternoon, September 8, was already alive before the program even began. In the lobby, ushers moved briskly, keeping...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -